Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor palamunin ang pamilya ng esmi

0 294

NI:MILDRED BACUD

Marami pa rin nagtataka kung bakit lumipat si actor sa ibang network gayong hindi naman siya nawalan ng project sa dati niyang tahanan.

Ang tsika sa amin ng aming source marami raw kasing pinapakain ito kasama na pati pamilya ng asawa na nakatira na rin sa kanila.

Siyempre dahil sa pandemya,nahinto nga naman ang ganap sa showbiz .Kahit pa may naipon si aktor ay muntik nang maubusan dahil sa dami ng kanyang obligasyon.

Kaya naman nang may offer sa ibang network at malaki ang TF ay sinunggaban daw kaagad nito.Pikit-mata na lang siya kahit pa alam niya na may mga masasagaan ito. Importante na lang kay aktor ay makabangon at makatawid sa pangangailangan ng pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.