Abante Tonite Interactive

Aktor, payag sa full frontal with erection

By
178

FROM where we are seated, a row before us, nakaupo sina Martin del Rosario at Edgar Allan Guzman.

Pareho silang nag-present ng awards sa Cinemalaya.

Fresh na fresh at ang guwapo ni Martin. Ang next movie ni Tuos director Derrick Cabrido ay si Martin del Rosario ang bida at ang kapareha nito ay si Bernardo Bernardo.

Say sa akin ni direk Derrick, mapangahas at mainit ang kanyang movie with BB at Martin.

May nudity ito, full frontal with erection daw at pumayag na ang dapat pumayag.

Kung si Martin ang pumayag na mag-full frontal, magkaka-alaman na kung siya ang nasa larawang kumalat at may chance na maging box-office draw ang kanyang pambansang palo-palo.

Aarte pa ba tayo kung confirmed na for the sake of art kung ipapakita na ni Martin ang lahat sa kanya?

Eh paano kung si Bernardo ang may full frontal buyangyang?

Handa ba tayong masilayan ang kanyang ari-arian?

Naku, tiyak maraming psychiatrist ang magi­ging mabenta after’s Bernardo’s buyangyang.

Kailangan ang professional guidance para matanggal ang imahe, ‘noh?!

***

Ngayong tapos na ang Cinemalaya, sana ang mga tulad nina Ronwaldo Martin, Barbie Forteza, Hasmine Killip, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, Barbara Miguel, Therese Malvar, Carl Dala, CJ Navato, Katrina Legaspi at Gold Azeron ay patuloy na magbigyan ng mga pagkakataong makapag-indie films ulit.

Itong mga artistang aking isinulat, mabigyang-puwang at pansin din sana sa mainstream film at TV projects lalo na’t mahuhusay sa pag-arte.

Sa producers at ta­lents casters, kesa mga bano at hamong artista ang inyong binibigyang importansya, itong mga tunay na talentado ang bigyang-pansin at suportahan ninyo.