Abante Tonite Interactive

Aktor, power bottom sa flight attendant

215

WALEY: Usap-usapan sa beki circles ang isang actor na hindi na ganu’n ka-young pero mukhang young dahil sa siyensya.

Itsurang Hiram Na Mukha na siya sa dami ng ipinaayos sa kanyang sarili.
Pero noon pa man, naghuhumiyaw na ang kanyang lansa.

Laman ito ng Malate at kung kani-kanino ito nakiniig. May kaibigan ng isang hairstylist ang nakatsuktsakan nito at sinasabing isa itong power bottom.

Meron din itong nakarelasyon na isang flight attendant na pam­hinta na medyo naging asiwa sa kanya dahil itong young actor pa ang lantad at burikak, habang si FA ay nananatiling discreet.

Nitong huli, napabalitang isang discreet pero bukelya ring ­singer-actor ang karelasyon nito na ngayo’y umaalingasaw din ang kabadingan.

Look na lang sa sky ang mga taga-showbiz kapag ipinipilit ang loveteam nila ng isang singer-actress din na may bahid ding kyombird.

Sino ang malansang aktor na ito?
Kahit marami na siyang nalabasang gigs at projects abroad, ­starlet pa rin ang tingin sa kanya sa ‘Pinas.

Hindi pa rin umaalagwa ang pangalan niya rito dahil sa hindi makahulagpos ang tunay niyang pagkatao.

Basta heto na lang, sumikat siya at least sa kamalayan ng ­millennials dahil sa kanyang kahusayan sa isang video app.

‘Yun na!

***

Maja Salvador
Maja Salvador

HAVEY: Noong una pa lang na inaayos ang pagsasabuhay ng kuwento ni Hidilyn Diaz, ang ating Olympic silver medalist, lumutang na ang pangalan ni Angel Locsin para gumanap bilang si Haidie, isang simpleng babae na taga-Zamboanga na nangarap, nagmahal at nagkamit ng karangalan para sa ating bansa.

Ngunit noon pa man, alam ­naming napaka-busy na ng schedule ni ­Angel dahil may ­tinatapos itong pelikula sa Star Cinema kasama sina Zanjoe Marudo at Sam Milby na The Third Party, na may kaparehong tema sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? ng Viva na pelikula nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.

Related Posts

Malabong lumagare pa sa telebisyon si ­Angel ­dahil mukhang October 12 na ang playdate ang ­kanyang pelikula.

Nakakaawa tuloy ang direktor nito na lumalagare rin sa set ng isa pang Regal film na Puwera Usog with Sofia Andres, Kiko Estrada, Devon Seron, Albie Casiño at ang usap-usapan sa showbiz na may bago raw na ilong na si Joseph Marco.

Dahil dito ay kinailangang maghanap ng alter­native na gaganap bilang Hidilyn.

Hindi ito madali considering the height, the ­physique at ‘yung mismong dramang pinagdaanan sa buhay ng ating Pambansang Weightlifter.

Si Angel, medyo dehado rin pala dahil napa­balitang may back problems siya kaya mahihirapan ding magbuhat ito ng bakal na medyo strenuous at demanding sa kahit sinong gaganap bilang Hidilyn.

Pagkatapos ng maraming kunsiderasyon at sa pagtatanung-tanong kung sino ang puwedeng gumanap bilang Haidie (na pati ang batu-batong si Vina Morales ay na-consider), isang aktres ang lumutang.

Medyo athletic at fit. Gumanap na siya bilang isang runner sa pelikula.

At hindi lang basta-basta, dahil doon sa ­pelikulang iyun, ipinakita niya ang husay niya sa pag-arte and she went on to win the best actress award sa Urian para sa pelikulang Thelma.
Kaya walang puwedeng kumiwestiyon at ‘di matatawaran ang pagkakapili kay Maja Salvador na gaganap bilang si Hidilyn Diaz.

Nang tanungin namin si Haidie mismo tungkol dito kahapon sa aming book signing activity sa ­Manila International Bookfair ay napapalakpak si Haidie at ang sabi, “Wow, isang karangalan ang mapagbigyan ang isang magaling na aktres na ka­tulad ni Maja Salvador na gumanap ng lifestory ko.

“Nahiya naman ako dahil sobrang sexy at ­talented niya kaya. Excited na ako at alam kong magagampanan niya nang maayos ang aking talambuhay.”

As of this writing ay inaayos pa ang casting ng pamilya ni Haidie sa MMK pati na ang kanyang love interest.

Kaaabang-abang kung sinu-sino ang iba pang tauhan sa buhay ng ating Olympic Silver medalist na kasama sa 25th Anniversary Offering ng ­Maalaala Mo Kaya hosted by Ma’am Charo Santos.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

Tonite – Wendys Inhouse Ad