Abante Tonite Interactive

Aktor sabik matikman ang lips ng leading lady

600

Sa ngayon ay wala pang masyadong hot scene sa dalawang bagong magkapareha.

Pero alam nilang magkakaroon sila ng mga daring scene in the future dahil ipinaalam sa kanila ng management.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin ng dalawa ang mature roles.

Ayon sa tsismis sabik na raw ang actor na matikman ang labi ng leading lady.

Mukhang nawili ito dahil bigay na bigay na ang dalawa sa kanilang sensuality workshop, how much more sa actual scene.

Maganda ang lips ni leading lady. Medyo makapal na parang mansanas. Ang labi ni actor ay manipis lang pero kapag tinitigan mo naman ang kanyang mga mata ay magwater-water ka kaagad.

Marami na ang nag-aabang sa kanilang maiinit na eksena at marami ang curious kung paano sila maglampungan. (Timmy Basil)

Tonite – Wendys Inhouse Ad