Abante Tonite Interactive

Aktor, sexy star nagdyugdyugan sa tambakan ng props

1,059

Dati na talagang user ng kung anik-anik na droga ang guwapo at magaling na aktor.

Bagets pa lang siya ay astig na talaga siya sa larangan ng paggamit. Sa dami ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, ay ang dami nila na puwedeng pagbintangan na nakaimpluwensiya sa kanya kung paano magbangag. Mahilig siya sa sex kapag may epekto ng drugs.

Panahon ng kampanyahan noon ng mga politiko sa isang sikat na subdivision na kanilang tinitirhan, malapit sa Alabang, ay naimbintahan ang isang sexy star na sobrang masyonda. Silang dalawa ay kasama sa mga hatak na artista para maraming tao ang pumunta sa kampanya ng mga kandidato. Tamang-elya siya. Bangag noon si Bagets, pero marunong siyang magdala. Hindi obvious.

Dinaan niya sa mental telepathy, sunod ay titig na walang puknat si bold star. Sikat si guwapo, kaya napapasulyap sa kanya ang hubadera. Nag-uusap ang kanilang mga mata. Nagkita sila sa backstage, nagbatian at nagpakita ng motibo si bagets.

Wala silang sinayang na sandali. Hindi nag-inarte si sexy star. Sikat na sikat noon si bagets na nang-aakit. Kaya ang ending, sa tambakan ng mga props sa backstage ay nagtakip na lang ng tarpaulin, lawanit at kung anik-anik na papel sa kanilang katawan.

Umaatikabong dyugdyugan at talagang paspasan para makaraos lang ang elya nila sa isa’t isa.

Magmula noon ay deadma lang sila sa isa’t isa kapag nagkikita sa showbiz. (Melchor Bautista)