Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor sintunado

0 58

Panalung-panalo ang mga sikat na artista kapag naiimbitahang magpasaya kapag fiesta sa malalayong probinsiya. Bentang-benta sila sa audience, halos hindi na magkarinigan kapag nasa enatblado na sila, nagwawarla ang mga faney!

Isang grupo ng mga personalidad ang dumayo sa isang probinsiya, sila ang hinihiling ng mga tagaroon dahil mga sikat nga sila, kaya naman ng pondo ng lugar ang kanilang talent fee.

Isa ang sikat na male personality na guwapo na ay magaling pang umarte ang kasama sa grupo. Maaasahan siya sa pag-arte pero pagdating sa pagkanta ay hindi bale na lang ang drama niya.

Kuwento ng aming source, “Natural, dahil sikat na rin naman ang male personality, e, puro tilian ang maririnig nu’ng tawagin na ng host ang name niya! Puro tilian at padyakan ang isinalubong ng audience sa pagtawag pa lang sa pangalan niya!

“Napakalayo ng pinagparadahan ng sasakyan niya, kaya paulit-ulit na isinisigaw ng mga hosts ang pangalan ng guwapo at mahusay umarteng male personality!” unang kuwento ng aming impormante.

Sa wakas ay naiakyat na rin ng mga tanod ang male personality sa entablado, grabe kasi ang pagkakagulo sa kanya ng mga faney, siya na ang magpe-perform.

Patuloy ng aming source, “So, siya na ang kakanta, di ba? Sa unang pasok pa lang niya, e, sintunado na ang boses niya! Wala talaga siya sa tono! Natural, nag-alala ang mga hosts ng show!

“Hinawakan ng isang becking host ang mikropono, sinabayan niya sa pagkanta ang nagsisintunadong male personality para kahit paano, e, makahabol siya sa tamang tono!

“Mahina lang naman ang boses ng becking host, under na under lang ang pagsabay niya sa sikat na male personality. Part kasi ng trabaho nila ang umalalay sa boses ng performer na naliligaw ng landas ang boses!

“Heto na. pagkatapos kumanta ng sikat na male personality, e, nilapitan niya ang becking host sa backstage, ‘Bakit mo ako sinasabayan sa pagkanta kanina? Ano ang gusto mong palabasin?’

“Natural, hindi na nakasagot pa ang host, kinabahan siya agad, galit kasi ang lalaking sumisita sa kanya! Nakakaloka! Mag-aral siyang kumanta kung ayaw niyang napapansin ang pagiging sintunado niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Umarte na lang kasi siya, huwag na siyang mag-ilusyong singer, dahil napakasintunado naman ng boses niya! Walang hanggang paalam ba ang pagkasintunado niya?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Jinkee ‘di tatakbo sa Makati

Walang katotohanan ang pinagpipistahang kuwentong tatakbong mayor ng Makati City si Jinkee Pacquiao. Kuwento-kuwento lang ‘yun, nakikisabay lang sa pagiging kontrobersiyal ngayon ng kanyang mister, dahil nasa Amerika ngayon ang misis ng Pambansang Kamao.

Inaasikaso ni Jinkee habang nagte-training si Senador Manny Paquiao, sinasabayan din niya ‘yun ng pamamasyal, nasabik silang mag-anak sa pangingibang-bansa dahil sa pandemya.

Natural, nag-post si Jinkee ng kanyang mga retrato habang rumarampa siya sa Amerika na ang mga suot niyang damit, sapatos at cap ay puro branded.

Makalulusot ba naman ‘yun sa mga bashers at trolls? Isa sa mga paboritong i-bash si Jinkee dahil sa pananaw ng mga kababayan natin ay umiiral ang kanyang pagyayabang sa panahon pa naman ng pandemya.

Sabi ng isang basher, “Wow, parang pajama lang ang suot ni Manang Jinkee, ha, pero naman! LV ang brand! Paano pa ang shoes niya, ang cap niya, ang bag niya? Puro branded! So flaunty talaga ni Mrs. Pacquiao!”

Matagal nang bina-bash si Jinkee sa mga inilalabas niyang larawan at video sa kanyang IG pero parang wala naman siyang pakialam sa emosyon ng mga pumapansin sa kanya.

Sabi siguro ni Jinkee, bakit niya papansinin ang mga naninira sa kanya, samantalang pera niya naman ang ipinambibili niya ng mga branded niyang stuff?

Mamatay kayo sa inggit, sa loob-loob siguro ng misis ni Pacman, hindi kaya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.