Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor sinumpa ang dating katambal

0 202

Ni:ARCHIE LIAO

Dating sweetie-sweetie ang magka-love team na ito.

Katunayan, may pagka-hard sell na ibinebenta noon ang kanilang tambalan.

Pero, nagkaroon naman ng pagkakataon na mag-click ang kanilang team up dahil sa pinagsamahan nilang proyekto.

Pero along the way, biglang pumakla ang kanilang pagsasama.

SM food to go Banner Ad

May pagka-assumera kasi si aktres na bet na mauwi sa totohanang romansa ang kanilang reel relationship kaso di naman siya type ni actor.

Dahil na-frustrate, ipinagkalat umano ni aktres ang ilang kasiraan ng kanyang ka-love team including ang sexual orientation diumano nito.

Hindi nagustuhan ni actor ang umanoý paninira sa kanya ng kampo ng aktres.

Ngayon, hindi na sila best of friends dahil masasabing mortal enemies na sila.

May mga tsika ngang sumumpa si actor na ayaw na niyang makatrabaho ang dating ka-love team ever.
Sinech ang actor na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.