Abante Tonite Interactive

Aktor sinuntok ang waiter, sinampal ang guard

414
tonite-pak-allan-diones!
May anger management problem ang isang hunkylicious actor (HA).
Mukhang kailangang pagtuunan ng pansin ng isang talap-talap na hunk actor ang kanyang sarili at hanapan ng solusyon ang pagiging mainitin ng kanyang ulo.
Mabilis magalit si HA at may mga pagkakataon na hindi nito nagagawang kontrolin ang kanyang sarili.
Ayon sa kuwento ng aming source, minsan nang sinuntok ni HA ang isa sa mga waiter sa isang kilalang club.
Bukod doon ay pinagbuhatan din nito ng kamay ang isang security ­officer ng nasabing establishment.
Nang pagsabihan ng isa sa mga may-ari ng club ay galit pa si HA at katakot-takot na mura ang inabot ng concerned club owner.
Ang tindi ng mensahe ni HA sa isa sa mga may-ari ng club at talagang beastmode ito gayong ito na nga ang nasangkot sa gulo.
Sobrang sama ng loob ng club owner na ‘yon kay HA, pero hindi nito pinatulan ang aktor na mainitin ang ulo.
Sa loob-loob nito, nasa kanya ang ebidensiya dahil nakunan ng CCTV ang nangyaring kaguluhan sa club na sangkot si HA.
Dahil doon ay na-ban si HA sa club na ‘yon at markado na ito ng mga tagaroon dahil sa ipinakita nitong pag-uugali.
Isang malapit kay HA ang umamin na may anger ma­nagement issues nga ito.
Kung ganu’n nga na hirap kontrolin ni HA ang kanyang galit at may tendency siyang maging bayolente, siguro ay panahon na para kumonsulta siya sa doktor nang magamot ito bago pa tulu­yang lumala at maging dahilan ng kanyang pagkasira.

Sharon diyeta sa Instagram

53rd birthday kahapon ni Sharon ­Cuneta, pero walang paramdam sa ­social media ang Megastar.
Ang huli niyang post ay a week ago na, kung saan sinabi niyang magpa-fasting muna siya sa socmed.
Sey ni Mega, “Hi, everyone. I have been ‘fasting’ from social media and my phones in general since Christmas Day. Destressing and collecting myself, as well as giving my body a chance to heal and recover completely from non-stop work it seems in 2018.
 “Have a wonderful, prosperous, and healthy 2019!!! I love you all. May God bless all of us! Signing off again for now.”
Kahapon ay ang daming bumati kay Shawie sa Facebook, Twitter at Instagram. Isa na rito ang panganay niyang si KC Concepcion na ang sabi sa IG post nito, “Happy birthday, Mama. You taught me how to be strong, but you also taught me how to be vulnerable. Pwede pala ‘yun? Haha!
“I pray for your health & happiness always. Love you, @reallysharoncuneta. Have fun, be free you’re 53!!!”
Actually, parang okey ‘yung idea ng social media fasting kay Mega dahil minsan ay may tendency siyang mag-overshare at mag-emote nang bonggang-bongga.
Mas maganda kung this 2019 ay medyo mabawas-bawasan ang mga hanash at emowt niya para happy lang lagi at posi­tive vibes.
Isa sa aaba­ngan this year kay Sharon ay ang horror movie niya kay Direk Erik Matti na “Kwaresma.”
First horror film pala ito ni Mega at first time niya rin with Direk Erik, na ayon sa kanya ay dream come true na makatrabaho ito.

Jose tumanggi sa lampungan

Kabado si Jose Manalo sa first solo movie niya na “Boy Tokwa: Lodi ng Gapo” pero masaya siya na pinagkatiwalaan siya ni Tito Sen na bigyan ng sarili niyang pelikula.
Unang movie project ng VST Productions ni Tito Sen ang “Boy Tokwa” ni Jose at base ito sa totoong kuwento ng mala-Robin Hood na karakter noon sa Olongapo na ­swindler ng mga foreigner pero tumutulong sa ­mahihirap.
Plakado raw ni Jose ang nakakatuwang mannerisms ni Boy Tokwa kaya perfect siya for the role.
European model ang leading lady rito ni Jose pero ipinagmalaki niya sa amin na tumanggi siya sa kissing scene at love scene dahil wholesome daw siya. Hindi niya raw trip makipaglampungan sa big screen kahit honeymoon ‘yung eksena.
In fairness ay nag-drama rin dito si Jose. Excited na raw sina Vic Sotto, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at iba pang Dabarkads sa “Boy Tokwa” na opening salvo ng taon at showing na bukas sa mga sinehan nationwide.