Abante Tonite Interactive

Aktor supladong laos

By
0 191

Noon pa isyu sa aktor na ito ang pagiging suplado. Wala siyang ka-PR PR kahit alam niyang may mga press at iba pang taga-showbiz sa isang gathering na kanyang pinupuntahan.

Ni hindi siya ngumingiti.

Matagal nang laos ang aktor na ito. Sa ngayon ay may mangilan-ngilang teleserye siyang nasasalihan pero hindi rin siya nagtatagal.

Siguro, PR din ang problema kaya siya tsinutsugi.

Ang akala ng matatandang showbiz writer, natuto na si aktor sa kanyang “kamalian” noon pero ganun pa rin pala ito.
Sa isang showbiz party kamakailan, alam niyang may mga reporter doon pero para siyang kabayo na nasa isang direksyon lang ang mata.

Ni hindi man lang bumaling ang kanyang mga mata sa kaliwa o sa kanan na alam niyang may mga press.
Tumandang walang ka-PR PR ang aktor na ito.

Hindi naman puwedeng mahiyain lang siya.

“Kung shy siya eh ‘di na sana siya pumasok bilang artista. At mahiyain ba ‘yun eh ang tsikboy tsikboy naman niya?,” sey ng aming katoto.

Sino ang aktor na tumandang walang PR?
Naku, may hitsura naman siya in fairness hanggang ngayon.
Maganda rin ang kanyang buhok at hindi nakakalbo.

Kaya lang mula noon hanggang ngayon ay parang palagi siyang naiinitan.
Palagi siyang naka-leather jacket.