Abante Tonite Interactive

Aktor tinamaan ng sakit sa extra service

3,338

 

tonite-no-thanks-cristy-ferminPinagtatawanan na lang ngayon ng magkakaibigang pamosong aktor ang nangyari sa isang kasamahan nilang nagkaroon nang matinding problema. Hindi naman sila nag-iwanan, sila-sila rin ang nagtulung-tulong, para makaraos ang kaibigan nilang male personality sa problemang ‘yun.

Mga bagets pa lang sila nu’n, tinitilian ng kanilang mga tagahanga, sikat na sikat sila. Pero may kalokohan din siyempre silang pinapasukan, mga tao lang silang marupok at mapusok, ‘yun ang pinagdaanan ng guwapong young actor.

Abante Hiring – IT dep

Kuwento ng aming source, “Magkakatropa silang nagpunta sa isang massage parlor. Kani-kanyang pili sila ng magmamasahe sa kanila. Ang iba, e, masahe lang talaga ang ipinagawa, pero ang iba, e, may extra service na ipinagawa sa mga nagmamasahe sa kanila.

“Kung bakit naman natiyempuhan si ____(pangalan ng guwapo at magaling umarteng young actor pa nu’n), tinamaan siya! Tinawagan niya ang isang kaibigan niya, nahihiya pa siyang magsabi nu’ng una kung ano ang malaking problema niya.

“Ang ending, sinabi na rin niya na hirap na hirap siyang umihi. Kaya raw niyang bumali ng kahit bakal dahil sa sobrang hirap niyang umihi. Napakasakit daw!

“Naloko na! Paano ‘yun? Baka makarating ang kuwento sa girlfriend ng young actor na tinamaan? Siguradong magbi-break sila kapag nagkataon!

“Humingi rin ng tulong sa iba nilang mga kaibigan ang pinagsabihan ng nagkatulong young actor, sama-sama silang nag-isip ng paraan. Isinekreto nila ‘yun, nagsumpaan pa silang hindi lalabas ang kuwento,” simulang kuwento ng aming source.

Mabilis silang nakakita ng solusyon, may kaibigang doktor ang kapatid ng isa nilang katropa, du’n nagpunta ang young actor. Maraming injection ang pinagdaanan niya, may mga gamot pa siyang kailangang inumin nang ilang araw, pero gumaling siya.

“Magmula nu’n, kahit kaladkarin pa siya ng mga kaibigan niya, e, hindi na siya sumasamang magpamasahe! Ne­ver na raw! Napakatindi kasi ng sakit na pinagdaanan niya!

“Nagwalwal na lang siya nang nagwalwal. Mas safe daw siya sa ganu’n, pero sumobra naman ang hiling niya sa pag-inom! Nanggugulo siya kapag nalalasing,” pagtatapos ng aming source.
***

Serye ni Alden pinaghandaan ni Coco

Sa teaser ng Ang Probinsiyano na napanood namin ay halatadong pinaghandaan ng produksiyon ang Victor Magtanggol ni Alden Richards. Hindi sila nagpakakumpiyansa, mahirap na nga namang masingitan, kaya kagabi ay hitik na hitik sa aksiyon ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pinagsabay-sabay ang paglusob para lang mahuli ang mga miyembro ng Vendetta. May grupo ng PNP, nandu’n din ang grupong pinamumunuan ni Jhong Hilario, pati ang nagngangalit na tropa ni JC Santos. Saan ka pa?

Huwag sabihing mula nu’n hanggang ngayon ay ang serye ni Coco Martin ang nangunguna sa rating, mahirap magpapetiks-petiks, kahit sa boksing ay may tinatawag na lucky punch.

Kailangan nilang paghandaan ang pagsisilang kay Victor Magtanggol, hindi puwedeng maupo lang sa isang sulok ang produksiyon ng Ang Probinsiyano, kailangan nilang paghandaan ang kanilang engkuwentro sa time slot.

Makaamot lang ng magandang rating ang serye ng Pambansang Bae ay maganda na. Hindi naman nila hangad na paluhurin agad sa rating ang Ang Probinsiyano. Malayo naman ‘yun sa katotohanan.

Pero matapang at ambisyoso ang Victor Magtanggol, talagang pinili ng GMA-7 na itapat ‘yun sa halos tatlong taon nang namamayagpag sa ere na serye ni Coco Martin, bakit nga naman hindi?

Kung mangangarap ka rin lang ay kailangang panindigan mo na, kalabanin mo na ang hari, kapag nanalo ka ay napakalaking karangalan nu’n at kapag natalo ka naman ay wala pa ring mawawala sa iyo.