Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor tinutukan ng baril ng holdaper

0 1,089

Nakaranas ng panunutok ng baril ang isang dating child star matapos na mag-crave na bumili Ng Lechon manok noong Biyernes.

Ayon Kay John Manalo, halos natulala siya at biglang napatakbo matapos na tutukan ng baril ng holdaper na nangholdap ng Baliuag Lechon manok.

Ayon kay John, unang itinutok ng holdaper ang baril sa nagbebenta ng manok bago sa kanya.

“Bumibili ako ng Baliwag sa Concepcion tapos biglang na hold up yung store. Tinutukan ng baril yung nagtatadtad ng liempo at manok ko. Natutukan din ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Di ko alam rereact ko nung una. Nahihiya lang ako kasi nakita sigurong tumatakbo ako,” pahayag ni John na ibinahagi niya sa kanyang Twitter account.

Sinabi pa ng aktor na wala namang nasawi sa nangyaring holdap dahil agad umanong rumesponde ang mga rumorondang awtoridad sa nasabing lugar.

“Guys, sa mga nag tatanong safe naman kaming lahat. May mga rumespondeng mga authorities agad. Walang nasaktan,” ayon pa dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.