Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor traydor sa kaibigan

0 65

NI: ARCHIE LIAO

Tuwing nagkikita sila ng kanyang kaibigang politiko ay kinukumusta ang actor na ito.

Hinikayat din ni politician ang actor na solid na iboto ang kanyang partidong kinabibilangan.

Lagi namang ina-assure ni actor si politiko na solid na iboboto ang kanyang partido.

Dumating ang eleksyon, nagkaroon ng change of heart si actor dahil malaki ang naging pressure sa kanya ng kanyang misis na ang minamanok ay ibang partido.

Pati ang mga kamag-anak ng kanyang misis ay bet ang kontra partido.

Last minute ng botohan, bumaligtad si actor at iba ang ibinoto.

Siya ang isa sa mga masasabi nating na-convert ng isang movement.

Katuwiran niya, hindi raw naman malalaman ng kanyang kaibigang pulitiko kung sino ang kanyang binoto.

Sino ang actor na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.