Abante Tonite Interactive

Aktor tsinugi sa kalasingan

By
1,180

tonite-no-thanks-cristy-ferminKung dati’y nasusunod pa rin ang mga kapritso ng isang kilalang male personality kahit nasa isang lugar na siya para sa kanyang pagbabago, ngayon ay hindi na niya ‘yun nagagawa, pinaghigpitan na siya ng mga namamahala sa lugar.

Kuwento ng isang source, “Dati kasi, e, binibigyan siya ng clearance ng rehab para makapagtrabaho pa rin. Di ba, isinama siya nu’n sa isang pelikula kahit nasa loob siya?

“Pero masyado niya namang sinamantala ang chance, drink-to-death siya habang nasa labas, nagpa­kasarap pa rin siya, hanggang sa maging malaking problema na siya ng production.

“Hindi na siya makapag-memorize ng mga lines niya, maganda pa naman ang role niya sa movie, pero walang makatas sa kanya ang staff dahil sobra-sobra ang paglalasing niya.

“Ano ang ginawa ng production para matapos na lang ang participation niya sa project? Nag-idiot board sila. Isinulat nila nang malalaking letra ang mga dialogue ng artista nila!

“Pero hindi pa rin niya ‘yun makuha-kuha, kasi nga, e, wengweng na weng­weng siya sa kalasi­ngan. Mahaba pa dapat ang role niya, pero pinaigsi na lang, dahil sa sobrang katigasan ng ulo niya.

“Wala siyang ginawa kundi ang uminom nang uminom, hindi siya nakikinig sa director nila, lalo na sa staff. Napakatigas talaga ng ulo niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ganu’n uli ang gustong mangyari ng magaling pa namang sanang male personality ngayon, nabuburyong na raw kasi siya sa loob, gusto na niyang magtrabaho uli.

Patuloy ng aming source, “Hindi puwede, sabi ng mga namamahala, walang clearance na ibibigay sa kanya. Hindi puwede, sabi rin ng mismong fami­ly niya, kailangan siyang magtagal pa sa rehab para magbago na siya.

“Akala niya, e, makukuha rin niya sa pangungulit ang mga tao sa loob? No puwede, no way!” pagtatapos ng aming source.