Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor winasak ng bisyo

0 97

Tandang-tanda pa ng aming source ang kuwento tungkol sa dalawang lalaking personalidad nu’ng nagsisimula pa lang silang mag-artista. Walang kasiguruhan ang pinasok nilang mundo, salamat kung mabigyan sila ng pagkakataong makilala, kung hindi naman ay ganu’n talaga ang buhay.

Mas unang nabigyan ng mga proyekto si Actor A, magaganda agad ang papel na ginampanan niya sa mga pelikula, samantalang si Actor B naman ay matiyaga lang na naghihintay.

Sabi ni Actor A kay Actor B, “Magtiyaga ka lang, wait ka lang, makakakuha ka rin ng magagandang projects.” Sagot naman ni Actor B, “Okey lang, masaya ako para sa career mo. Kung walang movies, sa entablado muna ako.”

Dumaan ang ilang taon, tinalo ng bisyo si Actor A, ang ganda-ganda na nga ng kanyang karera, pero napabayaan pa niya. Si Actor B naman ay nakakatanggap na rin ng magagandang alok.

Kuwento ng aming source, “Pabagsak na ang career nu’n ni Actor A dahil sa pagbibisyo niya, ang career naman ni Actor B ang gumaganda, malalaking roles ang napupunta sa kanya, pang-leading man pa nga!

“Nu’ng minsang magkita sila, e, napansin ni Actor B, mukhang madusing ang kanyang kaibigan, parang nakalilimot na siyang maligo. Parang isang linggo nang suot ang polo ni Actor A, pero hindi pa pinapalitan.

“Sinabihan niya si Actor A, ‘Ano na ba ang nangyayari sa iyo? Kundi pa kita nilapitan, e, hindi na kita makikilala, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit pinababayaan mo ang sarili mo?’

“Sagot naman ni Actor A, ‘Pare, wala na halos akong project, wala nang dumarating na offers sa akin. Buti ka nga, ang gaganda ng mga pinagkakaabalahan mong movies.’

“Parang nainis sa kanya si Actor B, pinagalitan siya. ‘Paano ka magkakaroon ng trabaho kung ganyan ang itsura mo? Ang ganda-ganda na ng takbo ng career mo, pinabayaan mo pa?’

“Nakayuko lang si Actor A, napakarami niyang dala-dalang bato, visual artist na raw siya,” kuwento ng aming impormante.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayon ay kinikilala nang pinakamahusay na aktor si Actor B dito at kahit sa ibang bansa man, samantalang si Actor A ay nasa isang lugar na pinalilibutan ng rehas, sayang na sayang na karera.

Female personality ‘malas’ sa serye ni Coco

Kapansin-pansin na puro flashback ang mga eksenang ipinalalabas sa FPJ’s Ang Probinsyano. Bumalik sa mga dating tagpo ang mga artista ng serye.

Ginawan lang ‘yun ng paraan ng produksiyon, kinailangan nilang magpalabas ng mga flashback, dahil hindi sila makapag-shoot sa dami ng mga kasama sa palabas na nagpositibo.

“Napakahigpit ng pamunuan ng Vigan, kailangang ihinto ang taping, hanggang hindi nakaklarong nagnegatibo na ang kanilang mga kasamahan.

Napakalaki ng ginagastos ngayon ng mga produksiyon, ‘yun ang epekto ng pandemya, maraming trabaho ang biglang pinatitigil dahil sa COVID-19.

Sa pagpapa-swab test pa lang ng mga artista at production staff ay napakalaking dagdag na gastos na ngayon, tuloy pa rin ang bayad sa mga hotel na tinitirhan ng grupo, kaya kung maigsi lang ang pisi ng prodyuser ay talagang hindi nila kakayanin ang matinding hamon ng paggawa ng pelikula at serye ngayong pandemya.

Umaaray ang bulsa ng prodyuser, may isa lang na magpositibo sa swab test ay damay-damay na, hinto ang kanilang trabaho kaya kailangang nakahanda ang footage ng flashback.

Sabi ng isang kasamahan namin sa hanapbuhay, “Ipina-feng shui kaya ni Coco Martin o ng Dreamscape ang pagpasok sa serye ng isang female personality? Mula nu’ng pumasok siya, e, kung anu-ano na ang nangyayari sa production? Mabigat siyang kasama.”

Kung si Manay Lolit Solis ang ating tatanungin ay isa lang ang isasagot niya, “Korek! May dala siyang malas!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.