Abante Tonite Interactive

Aktor yumabang na, may ‘stiff neck’ pa

563

Marami na ang naloloka sa isang aktor na malaki na ang pinagbago ng ugali. Tuluyan na siyang nilamon ng sistema. Dati, marami ang natutuwa sa kanya pero nga­yon ay kinaiinisan na siya.

Mula kasi nang maging TV star si aktor na dating namamayagpag noon sa paggawa ng pelikula ay kapansin-pansin ang kayabangan niya ngayon. Kung umasta ay parang napakalaking bituin pa rin pero sa totoo lang ay hindi na.
Oo, magaling siyang umarte at marami ang pumupuri sa kanya pero nawala naman ang ga­ling niya sa pakikisama.

Masyado na siyang mapili ngayon sa proyekto at nakakaloka ang demands niya. Pakiramdam niya ay napakalaking artista pa rin niya. Pati sa talent fee ay napakataas niyang maningil. Nakakaloka rin ang gusto niyang mangyari pagdating sa billing niya sa show o mapa-pelikula mang gagawin niya.

Isa pa, mukhang hindi alam ng aktor na ito kung saan siya nangga­ling at mukhang nakakalimutan na niya ang mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay noon. Sana maging masaya na lang siya sa naging kapalaran niya ngayon at huwag nang mag-bad mouth sa mga nakasama niya at mamintas. (Rodel ­Fernando)