Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres amoy imburnal ang hininga

0 166

“Yung matagal nang umiikot na kuwento tungkol sa pagkakaroon ng BB ng isang kilala at magaling na aktres ay pinatunayan ng mga nakatrabaho niyang production people.

BB. Bad breath. Mabahong hininga. Ayon sa isang source na talagang nabiktima nang malapitan ng magaling na aktres ay nagsabi, “Nagkita kami sa isang restaurant. Kumaway siya sa akin, so nilapitan ko naman siya. Kinumusta niya ako, sabik na sabik ang pangungumusta niya, pero naloka ako!

“Imagine, magkalapit ang mga mukha namin, halos magkadikit na, kaya talagang amoy na amoy ko ang bad breath niya! Gusto kong masuka, gusto kong tumakbo sa CR, para kasing amoy imburnal na hindi nalilinisan ang hininga niya!” manghang-manghang deklarasyon ng source.

Ang kuwentong ‘yun ay pinatotohanan din ng isang production staff na matagal na nakatrabaho ng magaling na aktres. Isang serye ang pinagsamahan nila.

Sabi nito, “Naririnig ko na ang tungkol sa BB niya, may idea na ako tungkol du’n, pero ang akala ko kasi, e, tsismis lang ‘yun! So, hindi ko lang pinapansin.

“Kaso, one time, e, may hindi siya maintindihan sa mga lines niya, nagtanong siya sa akin, du’n ko napatunayan na hindi lang pala kuwento-kuwento lang ang tungkol sa bad breath niya!

“Grabe, para akong nakakita ng patay na daga na matagal nang nandu’n, pero hindi naiaalis, kaya sobrang nangangamoy! Napakabaho nga ng hininga niya, nakakahilo!” sabi ng nakasamang taga-produksiyon ng magaling at kilalang aktres.

Ilang kaibigan niya naman ang nagpaliwanag na hindi naman ganu’n kabaho ang hininga ng female personality dati. Wala raw siyang BB, nagsimula lang daw ‘yun mula nang uminom na siya ng mga diet pills, iba-ibang pampapayat na gamot daw kasi ang iniinom niya.

Kuwento ng source, “Matagal na namin siyang nakakatrabaho, walang problema sa hininga niya, walang amoy! Nag-start lang ‘yun nu’ng umiinom na siya ng diet pills.

“Di ba, ganu’n naman ang nangyayari sa mga umiinom ng diet pills? Nagkakaproblema sila sa bituka. Parang nagkakaroon sila ng halitosis!” depensa sa magaling na aktres na kanyang kaibigan.

SM food to go Banner Ad

Ahahay!

Pacquiao nanganganib maubos ang kinita sa boksing

“I just heard the final bell. Goodbye, boxing.” Seryoso at sinserong pahayag ‘yun ng Pambansang Kamao. Nagdesisyon na siyang magpaalam sa mundo ng boksing na gumawa ng milagro sa kanyang buhay.

Nangingilid ang luha ni Senador Manny Pacquiao, balot siya ng lungkot, hindi nga naman madaling magpaalam sa minahal na niyang mundo. Kinasihan siya ng kapalaran sa boksing, hawak niya ngayon ang walong sinturon sa magkakaibang dibisyon, iindahin ni Senador Manny ang pagtalikod sa boksing nang mahabang panahon.

Kailangan na niyang magpaalam dahil isang matinding laban din ang haharapin niya ngayon. Magaganap ang laban hindi sa kuwadradong lona lang, makikipag-agawan siya sa posisyon ng pagkapangulo ng ating bayan, mahigit na isandaang porsiyento ng panahon at konsentrasyon ang kailangan niyang ibigay sa mundo ng pulitika.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Nagpaalam na siya sa boxing na milagro ang ginawa sa buhay niya. Hindi lang siya pinayaman ng boxing, bilyon ang naipon niya.

“Di ba, ngayon siya dapat mag-isip na kailangan niyang hawakan nang maayos ang kinita niya sa boxing? Kung totoo ang sinabi niya, e, wala na siyang susunod pang laban.

“Sana, huwag na siyang kumandidatong presidente, baka maubos ang pera niya, itabi na lang sana niya ‘yun para sa future ng family niya,” madiing komento ni prop.

Pero ang pangarap ay pangarap. Wala nang makapipigil pa ngayon kay Senador Pacquiao sa pagtakbo sa panguluhan. Manalo o matalo ay handa niyang tanggapin.

Komento naman ng mga Maritess ng ating bayan, “Naku, paano na n’yan si Jinkee? Nagbabu na sa boksing ang asawa niya? Paano na ang mga branded bags at shoes niya, kakapusin na siya ng pambili?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.