Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres benggadora

0 307

Hindi lang basta sensitibo ang isang kilalang aktres. Ibang klase siyang masaktan. Hindi siya titigil hanggang hindi niya nareresbakan ang nanakit sa kanya.

Sa madaling salita ay benggadora ang babaeng personalidad at sobrang matandain siya pagdating sa mga taong nakapanakit sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Matagal siyang makalimot, kahit matagal na panahon nang nangyari ang isang bagay na nagawa sa kanya ng iba, e, natatandaan pa niya ‘yun!

“Ipon lang siya nang ipon ng mga karanasang ginawa sa kanya, pero kapag nakakita na siya ng butas, e, siguradong reresbakan niya ang taong ‘yun!” unang sultada ng aming impormante.

Kahit sa kanyang pakikipagrelasyon ay matandain ang female personality. Naglilista siya ng mga hindi kagandahang karanasan sa kanyang puso.

Patuloy ng aming source, “Kapag naghiwalay na sila, e, ‘yun na! Talagang ilalabas niya ‘yun, walang makapipigil sa kanya. At detalyado pa siyang bumira!

“Ilang beses na niyang ginagawa ang ganu’n, kaya kapag nag-break na sila ng guy, e, wala nang nangyayaring balikan. Hindi na siya binabalikan ng lalaki.

“True! Hindi na nakikipagkasundo sa kanya ang guy, nadadala na, dahil nga sa kalalabas ng emosyon nu’ng girl! Mahirap na nga naman kung makikipagbalikan pa siya, baka maulit na naman ang kalukringan ng girl!” natatawa pang kuwento ng aming source.

Ang dahilan? Sobra naman pala kasing magmahal ang female personality, para siyang nagiging alipin ng karelasyon niya, ginagawa niya ang lahat-lahat para maging maligaya lang ang kanyang boyfriend.

Sabi pa rin ng source, “Matindi siyang magmahal. Bigay na bigay. Pati ang kaluluwa niya, e, ibinibigay na niya sa karelasyon niya.

“Kaya naman kapag nasaktan siya, e, ganu’n din kalalim, sa totoo lang! Very sensitive siya na nauuwi na nga sa pagiging benggadora! At kabaligtaran ‘yun ng pangalan niya, ha?” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Related Posts

Andrea, Derek may epal sa relasyon

Ayon sa aming nakakuwentuhang may malalim na alam tungkol sa biglaang paghihiwalay nina Derek Ramsay at Andrea Torres, kung silang dalawa lang daw ang nagpatakbo ng kanilang relasyon ay baka nagtagal pa sila, pero may mga nakikialam pala sa kanilang relasyon.

Natunugan agad namin ang ibig nitong sabihin, napakatahimik ng pamilya ng hunk actor, kaya ang partido kaya ni Andrea ang mahilig manghimasok sa kanilang relasyon?

Impormasyon ng aming source, “Di ba, bago pa sila nagkaroon ng relasyon, e, inilatag na ni Derek ang kartada ng buhay niya kay Andrea? Kahit sa pamilya ni Ada, wala na siyang itinago.

“Lahat-lahat, e, inamin na niya, ganu’n naman palagi si Derek, wala siyang iniiwanang page ng libro ng buhay niya na nakatago,” simulang kuwento ng aming source.

Pero habang tumatakbo ang kanilang relasyon ay palaging may kailangang ipaliwanag si Derek sa pamilya ni Andrea, ayon sa aming kausap, paulit-ulit na lang ‘yun na siguro nga ay ikinapuno na ng aktor.

Patuloy ng aming source, “Di ba, kapag ganu’n, e, ang girl na dapat ang nagpapaliwanag sa pamilya niya na wala na silang dapat pang alalahanin?

“Tutal naman, e, alam niya ang lahat-lahat, kaya bakit kailangan pang may ipaliwanag ang boyfriend niya sa parents niya?

“Ang pasensiya kasi, e, umiigsi, hanggang sa maubos na, kaya dahil hindi idinepensa ni Andrea si Derek sa family niya, ganyan ang nangyari!” impormasyon ng aming source.

Wala pang opisyal na pahayag sina Derek at Andrea tungkol sa kanilang paghihiwalay. Puro haka-haka at pagdududa pa lang ang naglalaro sa utak ng marami ngayon.

Magsalita na nga sana sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.