Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres bet hiwalayan ang asawang palamunin

0 256

NI: ARCHIE LIAO

Sino itong aktres na bet na hiwalayan ang kanyang mister na aktor na panaka-naka na lang magkaroon ng raket?

Mula raw kasi nang magkapandemya, nadagdag na si mister sa mga taong jobless at umaasa na lang sa ambon ng kanyang mga kaibigan.

Si aktres naman kahit papaano ay may mga nagtitiwala pang producer kaya may mga proyekto pa naman itong dumarating sa kanya.

Hirit pa ng mga bubuwit, taong bahay na lang daw ngayon ang kanyang asawang palamunin.

SM food to go Banner Ad

Bukod pa rito, tila raw nalululong si actor sa online gaming.

Kaso, madalas kesa panalo, nabobokya raw ito, dahilan para madalas silang mag-away.

Dahil daw dito, may mga bulung-bulungan lately na hindi raw nagsasama sa isang kuwarto ang mag-asawa kaya laging outside the kulambo si mister.

Ngayon daw, bet na talaga ni aktres na iwan ang kanyang mister.

Imbudo rin daw lagi si misis kay mister dahil bukod sa wala itong trabaho ay sobrang tamad nito sa pamamahay.

Sinech ang aktres na ito at ang kanyang batugang mister?

Leave A Reply

Your email address will not be published.