Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres biglang naglaho sa lawa

0 561

Pinaniniwalaang patay na ang isang aktres matapos itong maglaho habang kasama ang 4-anyos niyang anak sa nirentahang bangka.

Ayon sa ulat ng TMZ, natagpuang mag-isang natutulog sa bangka ang anak ni GLEE actress Naya Rivera na si Josey noong Miyerkoles sa Lake Piru, Southern California matapos makatanggap ng report ang Ventura County Sheriff na isang bata ang iniwan mag-isa sa bangka.

Sinabi raw ng bata na tumalon ang nanay niya sa lawa at hindi na bumalik pa.

“The missing person at Lake Puru has been identified as Naya Rivera, 33, of Los Angeles. SAR operation will continue at first light,” tweet ng Ventura County Sheriff.

Maghapong naghanap ang mga diver pero hindi nakita ang 33-year-old actress.

Kasalukuyang nasa mga kaanak niya ang bata.

Ayon sa report ng FOX11, nakita ang sasakyan ng aktres na nakaparada malapit sa boat rental company at naroroon pa ang kanyang handbag. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.