Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres bigo sa director, komedyante

0 182

Maraming nag-akala na biru-biruan lang ang pag-uugnay nu’n sa isang magaling na komedyante at sa mahusay na actress-TV host. Pero hindi pala.

Tinamaan pala ng ng pana ni Kupido ang komedyana, meron palang naging pagtatangi ang babae para sa kilala at mahusay na komedyante, nadulot nga lang.

Kuwento ng aming source, “Du’n sa komedyante, e, wala lang ‘yun, parang biru-biruan lang, parang sumasakay lang siya sa mga tudyuhan sa set ng show na pinagsamahan nila.

“Pero ang girl ang tinamaan. Nu’ng magtagal na ang mga biruan, e, halatang-halata na mukhang naaapektuhan na ang komedyana,” patikim munang kuwento ng aming source.

Ang una palang nagpatibok ng puso ng komedyana ay isang direktor. Magkabarkada lang sila nu’ng una pero nang magtagal ay naapektuhan na ang girl.

Balik-chika ng aming source, “Kaso, merong problema! Pareho lang ang gusto nilang dalawa ng directed by, lalaki! Yes, becki si direk, kaya kahit anong pagpaparamdam pa ang gawin ng girl, e, hindi pinapansin ni directed by!

“Naunsiyami ‘yun, walang naganap, heartbroken ang girl, pero wala naman siyang magagawa, dahil nagpapakatotoo lang ang nataypan niyang direktor!” masarap na kuwento uli ng aming impormante.

Pagkatapos mabigo ang komedyana kay direk ay ito na ngang magaling na komedyante ang napagtuunan niya ng pansin. Hiwalay naman sa misis ang kilalang komedyante.

Dagdag na impormasyon ng aming source, “Nagparamdam siya sa komedyante, pero walang sagot, deadma lang ang guy. Nireregaluhan pa niya ng kung anu-ano ang lalaki, pero wala pa rin!

“Kasi naman, e, meron nang girlfriend ang komedyante, nagtatrabaho rin sa network nila, kaya paano na? Kahit anong paramdam pa ang gawin ng girl, e, waley talaga!

“Ayun, dahil sa dalawang beses niyang pagkabigo, nawalan na siya ng pag-asa. Nu’ng may manligaw na foreigner sa kanya, e, hindi na niya ‘yun pinakawalan!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Wala siyang suwerte sa Pinoy, mas panalo siya sa afam, maligaya na siya ngayon sa piling ng kanyang karelasyong banyaga. Kilala sa pagiging maldita ang komedyanang itey,” pagtatapos ng aming impormante.

Raffy papalit sa iniwan ni Luchi

Sa darating na Sabado na, January 16, ang unang sultada ng bagong programa sa TV5 ng matapang na news anchor na si Raffy Tulfo. Ang “Wanted, Ang Serye” ang ookupa sa iniwanang time slot ng “Usapang Real Life” ni Ms. Luchi Cruz Valdes.

Lahat ng kuwentong ipalalabas sa “Wanted, Ang Serye” ay hango sa mga reklamong idinudulog ng ating mga kababayan sa programang “Wanted Sa Radyo” at “Idol In Action.”

Nasusubaybayan namin ang dalawang programa ni Kuya Raffy, karamihan sa mga reklamong inilalapit sa kanya ay kaliwaan, puwedeng ang lalaki o ang babae ang nagrereklamo dahil sa pangangaliwa ng kanilang asawa.

May nakakaloka ring kuwento ng pagbabawian ng mga kagamitan ng mga nagkakahiwalay na magkarelasyon. Tangke ng gas, kumot, unan, sofa at kung anu-ano pa ang kanilang pinag-aawayan.

Kung minsan nga ay nauumay na si Kuya Raffy sa mga ganu’ng kuwento, sasabihin niya, “Kabit-kabit na naman itong magkasunod na reklamo. Bigyan n’yo naman ako ng mas makabuluhang topic. Mga guwardiyang hindi pinapasahod ng kanilang kumpanya, gusto ko ang paksa tungkol sa mga nakakaawang manggagawa!”

Pero talagang mas maraming lumalapit sa kanya na humihingi ng tulong sa pangangaliwa ng kanilang karelasyon. May pumatol sa mismong kapatid ng misis, sa tiyahin, sa bestfriend.

At madalas ding may nagrereklamong banyaga sa kanyang programa, niloko ng nakarelasyong Pinay, kaya binabawi na lang ang mga naibigay sa ating kababayan.

Ang lahat ng kuwentong ‘yun ay mapapanood na ngayon sa “Wanted, Ang Serye,” punumpuno na ang kalendaryo ngayon ni Raffy Tulfo sa dami ng kanyang programa sa TV5, idagdag pa ang matagumpay niyang YouTube kung saan milyunan ang kinikita niya kada buwan.

Panalo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.