Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres binabantayan ng karelasyon

0 142

Naging sentrong paksa ng isang grupo ang mga kuwentong naglalabasan ngayon na ang diumano’y third party sa paghihiwalay ng isang showbiz couple ay isang aktres na nakasama ng male personality sa isang pelikula.

Kung mata lang ang gagamitin sa paghusga ay may punto ang mga nagsasabing totoo nga ang istorya. Magagaling kasing artista ang male personality at ang aktres, nabigyang-buhay nila ang papel na itinoka sa kanila, parang meron ngang spark sa kanilang mga eksena.

Pero pelikula lang ‘yun, iniaarte lang nila ang kanilang emosyon, pangharap lang ng mga camera ang lahat ng kanilang ipinakita.

Sabi ng isang source sa grupo, “Napakalamig sa bansang pinagsyutingan nila. Kailangan nila ng pampainit bukod sa alak, kaya puwedeng nagkaroon nga ng something sa pagitan nila.

“Puwedeng may nangyari nga, puwedeng nadala sila ng nagyeyelong paligid, may point din naman ang mga nanghuhusga sa kanila,” sabi ng aming source.

Pagkontra naman ng impormanteng kasama nito, “Parang ayokong maniwala. Meron kasing nakabantay sa girl, may karelasyon siya. May possibility nga ang kasabihan na kapag wala ang pusa, e, naglalaro ang daga, pero ayoko pa ring maniwala!
“Kasi, hindi gugustuhing magtampo sa bigas ng girl! Kapag nakarating ‘yun sa karelasyon niya, e, siguradong tapos na ang maliligayang araw niya!

“Paano na ang kabuhayan showcase ng family niya, basta pakakawalan na lang niya nang paganu’n? Matindi ang importance sa girl ng relasyong meron siya ngayon, iniingatan niyang masira ‘yun!” ayon sa aming source.

May mga miron namang nag-oopinyon na sa problemang pinagdadaanan ngayon ng male personality ay hindi na mahalaga kung sino ang bago niyang makakarelasyon. Ang importante ay ang makawala na siya sa relasyon nila ng kanyang dating ka-live-in.

Konklusyon ng aming impormante, “Tutal din lang naman, e, pinagbibintangan na siya ng ex niya, kahit hindi naman totoo, e, buung-buo na sa utak ng girl na meron na siyang babae, kaya tinotoo na lang niya ‘yun!

“Puwedeng ganu’n, di ba? Pero sila pa ring dalawa ang nakakaalam ng totoo, sila lang ang makaka-solve ng problema nila, hindi kahit sino!”

Mismo!

Related Posts

Pacquiao nawalan ng saysay ang pagtatanggol kay Jinkee

Bukod sa kaliwa’t kanang upak ng kanyang mga kalaban sa mundo ng pulitika ay nakakatanggap din ng bira ngayon ang Pambansang Kamao mula sa ating mga kababayan.

May kinalaman ‘yun sa pagtatanggol ni Senador Manny Pacquiao sa kanyang misis na si Jinkee sa pagsusuot ng mga branded na kagamitan na milyones ang halaga.

Tama ang linya ng depensa ng boksingero-pulitiko na pinaghirapan niya (hindi nila dahil hindi naman nakikipagbasagan ng mukha sa lona ang kanyang misis, pero sige na rin, kanilang dalawa ang pera) ang kung anumang kayamanang meron sila ngayon.

Tumpak, hindi naman ‘yun nakaw na pera ng bayan, wala silang ginalaw na kahit singkong duling mula sa kaban ng bayan para ipambili ng mga pangyayamaning kagamitan nila.

Nagpapakatotoo lang naman ang senador, hindi nga naman siya corrupt, ang totoo ay galit na galit nga siya sa mga kapwa niya pulitikong nagnanakaw ng pondo ng bayan.

Pero may ibinubutas ngayon laban sa kanya ang ating mga kababayan, ‘yung pinakawalang salita ng senador na, “’Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang ‘yun, pero hindi naman masyadong mahal. At ‘yung perang ‘yun, hard-earned money ko naman.”

Nag-aalburoto ang mga kababayan natin, lalo na ang mga DDS, nawalan daw ng saysay ang pagtatanggol niya kay Jinkee. Paano raw hindi naman mahal, samantalang puro branded ang isinusuot ng kanyang misis, na ipinagbabanduhan pa nito sa buong mundo?

Maganda na ang kanyang depensa na pinaghirapan niyang salapi ang hawak nila ngayon, dugo at pawis at lakas ang kanyang naging puhunan, kaya sunugin man nila ang pera ay wala nang pakialam du’n ang kahit sino.

Pero ang sabihing mukhang mamahalin lang ang mga branded stuff na isinusuot at ginagamit ng kanyang misis ay salto si Pacman. Mambubulabog talaga ‘yun ng kuta ng langgam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.