Abante Tonite Interactive

Aktres binubuhay ang tamad na mister

By
1,868

tonite-no-thanks-cristy-ferminSa isang malaking umpukan ay na­ging sentro ng chikahan ang isang kilalang female personality na puwede na raw ipagpagawa ng monumento sa sobrang kamartiran.

Matapang sa buhay ang aktres, kinakaya niyang dalhin ang mga problemang pampamilya, pero wala kang maririnig na anumang reklamo mula sa kanya.

Sabi ng isang source sa umpukan, “Basta trabaho lang siya nang trabaho, walang kapaguran siyang nagtatrabaho. Kasi, kung hindi siya magtatrabaho, e, mamamatay silang nakadilat ng mga anak niya!

“Kanino siya aasa, e, wala namang trabaho ang ama ng mga anak niya? Minsan-minsan na nga lang nagkakaroon ng chance na magka-project, pero napapagod agad? Mareklamo ang husband niya, ayaw mapagod, kaya ang girl ang padre de pamilya!

“Puwede na nga siyang maipagpatayo ng munumento, e! Saan ka naman makakakita ng babaeng tulad niya na sa halip na siya ang buhayin, e, siya pa ang bumubuhay sa mister niya?

“Pero may naririnig ba tayong reklamo mula sa kanya? Ni hindi nga natin alam ang mga nangyayari sa kanilang mag-asawa, ‘di ba?” pagtatanggol ng miron sa maganda pero mukhang mataray na aktres.

May sinasabi sa buhay ang kanyang pamil­ya, mayayaman ang mga kapatid niya, pero never siyang nanghingi ng tulong. Sinosolo lang niya ang krus na pinapasan niya.

Isang source pa ang nagkuwento, “Kapag tinatanong siya ng mga utol niya kung ano ang work ng husband niya, e, parang voice recording na ang naka-reply niyang sagot. Hindi siya nagpapahalata na napapagod na siya, pinagtatakpan pa niya ang tamad niyang asawa!

“Napaka-martyr ng girl na ‘yun. Kaya naman tingnan n’yo ang mga anak niya kung paano siya ipagmalaki. Hero siya sa pananaw ng mga bagets dahil siya lang naman talaga ang kumakayod para palakihin at pag-aralin ang mga anak niya,” pagtatapos ng ­aming source.

***

Producer sumuko sa ina ni Sarah

Isang producer ang nakausap namin. Matagal nang naninira­han-nagtatrabaho ang ating kababayan sa ibang bansa. Niyaya itong mag-produce ng show ng kanyang mga kaibigan, pero sa umpisang proyekto pa lang ay sumuko na agad ito, dahil kay Mommy Divine Geronimo.

Kuwento ng aming kausap, “Okey na kausap ang Viva, walang problema, okey rin si Sarah, pero ang mommy niya, e, hindi. Sobrang higpit talaga niya, mahirap kausap si Mommy Divine.”

Natural lang na kailangang mag-ikot ang main star ng show at ang kanyang mga kasama para malaman ng mga Pinoy sa nasabing lugar na nandu’n na sila.

“May mga cases kasing hindi dumarating ang mga performers. Maraming beses nang nangyari ang ganu’n, kaya to show proof na nandu’n na ang mga stars, kailangan nilang magpunta sa mga sponsors nila.

“Sandali lang naman ‘yun. Ten minutes sa bawat venue, hindi naman mahirap na trabaho ‘yun. Pero mahirap kausap ang mommy ni Sarah, ang dami-dami niyang tanong, e, kasama naman sa pinirmahan nilang contract ang pagbisita sa mga sponsors.

“Kakababa pa lang sa isang store ni Sarah, e, gusto na niyang baklasin. Mapapagod daw kasi ang anak niya, kailangan na raw magpahinga, napakalamig pa naman daw at kalaban ‘yun ng boses ng anak niya.

“Kinabukasan pa naman ang concert, may time pang matulog nang magdamag at maghapon ang anak niya kung tutuusin, pero kina-cut short na niya talaga ang pagbisita sa mga sponsors,” kuwento pa ng ating kababayang producer sa ibang bansa.

Puwede pa rin daw itong makisosyo sa kanyang mga kaibigan, masaya raw kasing magprodyus, pero ayaw na nitong mamuhunan kapag nasa listahan ang pangalan ni Sarah Geronimo.

Hindi dahil sa Pop Star na napakabait daw, kundi dahil sa kanyang mommy, na napakahirap kausap.