Abante Tonite Interactive

Aktres binugaw ang pamangkin

0 453

Kilalang maabilidad at feisty ang social climber-aktres na ito.
Nang malaman niyang hiwalay na ang kanyang pamangkin sa boyfriend nito, sobra siyang natuwa.

Kasi, hindi naman talaga siya boto sa boyfie ng kanyang niece dahil breadwinner lamang ng pamilya ito.

Pangarap kasi niya na gumaya sa kanya ang pamangkin na summa cum laude sa pagbingwit ng richie-richie ang fish at provider at nasusunod ang luho sa katawan.

Balita pa nga na siya mismo ang nagreto sa kanyang niece sa young azucarera de papa nito.

Sino itech? (Archie Liao)