Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres ‘di binoto ang inendorsong kandidato

0 72

NI: ARCHIE LIAO

Isa ang aktres na ito ang nag-endorse ng isang presidentiable na incidentally ay hindi pinalad na manalo sa eleksyon.

Bago kasi ang eleksyon, panay ang kuda nito na kasama siya sa mga nananalig sa nasabing kandidato.

Katunayan, todo tanggol pa siya sa kanyang manok sa mga namba-bash dito.

Kaso, come election time, hindi naman pala botante si aktres.

Hindi raw kasi ito nakapagparehistro.

May kibitzers tuloy ang nagsasabi kung nakikiuso lang ba si aktres o nag-iingay para mapag-usapan dahil hindi naman nito ibinoto ang kanyang minamanok.

Dahil sa nangyaring ito, may mga kumukuwestiyon tuloy sa sinseridad ni aktres.

Kabilang daw ito sa bayarang celebrity endorsers na hindi naman ginagamit ang mga produktong kanilang ini-endorso.

Sino itech?

Leave A Reply

Your email address will not be published.