Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres ‘di totoong naiwan ang panty sa condo ng actor

0 1,955

Ibang-iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Parang may tinatawag na ring new normal sa mundo ng showbiz. Ang mga blind items ay inaangkin na ng mga personalidad, nagbibigay na sila ng reaksiyon, samantalang hindi naman binabanggit ang kanilang pangalan.

Isang source ang nagbigay ng reaksiyon tungkol sa female personality na diumano’y nang-iwan ng ebidensiya nang magkaroon sila ng “one night stand” ng isang hunk actor.

Nabuking daw ‘yun ng kasalukuyang karelasyong female personality ng aktor at nang makasiguro ito kung sino ang may-ari ng underwear ay sinita nito ang aktres sa isang party.

Kuwento ng aming source, “Kung kilala nga natin si Actress A, ‘yumg girlfriend ng male personality, e, hindi na niya hihintayin pa ang party para lang siya makapang-away!

“Sugudera siya, wala siyang pakialam sa mundo, gagawin niya ang gusto niya at walang makapipigil sa kanya! Ganu’n siya!” unang hirit ng aming source.

Inapuntahan lang daw ng selos ang female personality dahil madalas na magkasama ang male personality at si Actress B, may pinagsamahan kasi silang trabaho, kaya biglang na-insecure ang karelasyon ng aktor.

Patuloy ng aming impormante, “Aysus, matindi ang babaeng ‘yun! Kesehodang wala pa siyang proof, aarya na siya agad! Kahit ang boyfriend pa niya ang pumigil sa kanya, e, walang magagawa ‘yun!

“Ganu’n katindi ang girl, kung ano ang maisipan niyang gawin, e, talagang go lang siya nang go! Ganu’n katigas ang ulo niya!” dagdag na pagkukuwento pa ng aming source.

Hindi raw totoo ang istorya ng panty ng aktres na naiwanan sa condo unit ng hunk actor. Wala raw inuuwiang condo unit ang male personality nu’ng mga panahong ‘yun.

“Unang-una, hindi naging ugali ng male personality ang pang-iimbita ng kahit sinong babae sa house niya. Marespeto siya sa girlfriend niya.

SM food to go Banner Ad

“Hindi totoo ‘yun, kuwentong-kutsero lang ‘yun, bakit ngayon lang lumabas ang kuwento, samantalang eleven years na ang pagtatrabaho nang magkasama nu’ng girl at ng male personality?” umiiling na pagtatapos ng aming source.

Ganu’n daw!

Willie wawasakin ng politika

Pagkatapos imbitahan sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Willie Revillame ay naglutangan ang nagsasalimbayang komento ng mga tagasuporta ng aktor-TV host.

May mga positibong komento, pero mas nakararami ang kumokontra kay Willie sa pagpasok sa pulitika, wawasakin lang daw ng mundong ‘yun ang kanyang pangalan.

Tama na raw ang ginagawa niyang mapusong pagtulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin-Tutok To Win, hindi na raw kailangan pang magkaroon ng posisyon sa gobyerno si Willie, gagamiting lang daw siya ng mga taong nanghihikayat sa kanya para tumakbo sa darating na eleksiyon.

Napakabilis nga naman kasi ng ginagawang pagbibigay ng ayuda ni Willie sa mga kababayan nating nagdarahop. Tatawagan lang niya ang nagpadala ng mensahe sa FB page ng kanyang show, pagkatapos niyang makakuwentuhan ang nasa kabilang linya ay agad na siyang magbibigay nang kung ilang libong piso na may kasama pang tablet at mga jacket.

Sabi ng isang kontra sa pagpasok sa pulitika ni Willie, “Tama na ang ginagawa niyang pagtulong ngayon sa mga may matinding pangangailangan. Napakadali ng paraan. Kapag nasa gobyerno na siya, ang dami-dami nang dokumentong kailangan para siya makatulong!”

Hanggang ngayon ay wala pang binibitiwang desisyon si Willie. Taimtim daw niyang ipagdarasal ang gagawin niyang hakbang. Aminado ang TV host na ito na ang pinakamahirap na naengkuwentro niyang pagdedesisyon sa buong buhay niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.