Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres ‘di ugaling-kalye

0 348

Malayung-malayo na nga ang nararating ng isang kilalang female personality. Ang dating simpleng teenager sa kanilang komunidad nu’n ay hinahangaan na ngayon.

Hindi galing sa buena familia ang magandang aktres, hindi naman sila nagugutom, pero kulang na kulang pa rin sila.

Kuwento ng aming source, “Kapag talaga may magandang puso ang tao, saka nagpakasipag at nangarap, nagiging successful. Ganu’n si ____(pangalan ng maganda at mahusay umarteng female personality).

“Very inspiring ang buhay niya. Pumapasok siyang walang baon, puro luma ang uniform niya, pero gusto niya talagang makapagtapos sa pag-aaral kaya tiis-ganda lang siya,” umpisang chika ng aming source.

Hindi kagandahan ang lugar kung saan lumaki ang female personality, magulo du’n, isa sa pinakapunumpunong siyudad ang pinagmulan niya.

Patuloy ng aming impormante, “Minsan, hindi totoo ‘yung kasabihan na kapag lumaki sa isang magulong lugar ang tao, e, magulo rin ang takbo ng utak niya. ugaling-kalye raw, sabi pa.

“Hindi totoo ‘yun sa female personality. Hindi siya naimpluwenisyahan ng kaguluhan sa lugar na pinagmulan niya. Nasa tao ‘yun, wala sa lugar,” pagkontra ng aming source.

Mula sa pagiging teenstar ay kilala na ngayon ang female personality bilang magaling na aktres. Bumibida na siya. Professional siya.

Dagdag na kuwento pa ng aming kausap, “Oo nga, hindi siya nagiging problema ng production. Walang issue ng unprofessionalism tungkol sa kanya. Kahit nu’ng nagkaroon siya ng personal problem, dumarating siya on time sa set.

“Hindi niya idinahilan kahit kailan ang bitbit niyang problema. Namumugto ang mga mata niya sa sobrang iyak, pero nakakaarte pa rin siya, nagtatrabaho, very professional talaga siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At ngayon nga, e, kasama na siya sa listahan ng mga importanteng artista, pinahahalagahan na ang acting niya, para naman kasing gripo ang mga mata niya sa pagluha.

“Happy siya ngayon dahil magkarelasyon sila ng isang male personality na palaging binubulabog ng nakahiwalay niyang wife. Kitang-kita ang happiness sa face niya. produkto ‘yun ng magandang disposisyon niya sa buhay,” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Janine walang mana kay Nora

Panahon ngayon ni Janine Gutierrez. Hindi na basta humihinto lang ang papuri sa kanyang kagandahan. Aktres nang itinuturing ng bayan ngayon ang panganay nina Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot de Leon.

Sunud-sunod ang kanyang parangal, binibigyan na ng pagpapahalaga ang talento sa pagganap ni Janine Gutierrez, hinahangaan-pinapalakpakan na ang kanyang pag-arte.

May isyu tungkol sa pagiging best actress ni Janine, komento kasi ng mga Noranian ay namana raw ‘yun ng dalaga sa kanyang lolang Superstar, sa kanyang Mamita Pilita Corrales naman kung pagkanta ang pag-uusapan.

May mga kumokontra. Paano raw mamamana ni Janine kay Nora Aunor ang galing niya sa pag-arte samantalang ni gapatak na dugo ay wala naman silang kuneksiyon? Puwedeng sabihing namana ‘yun ni Janine sa kanyang mga magulang pero hindi kay Nora.

Sa punto ng legalidad ay tama naman ang komento ng mga kumokontra. Hindi dugo at laman ni Nora Aunor si Lotlot, kinupkop lang bilang anak, pero walang dugong nag-uugnay sa kanila.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Tama naman ‘yun, hindi puwedeng sabihing minana ni Janine ang galing niya sa pag-arte kay Nora Aunor. Let’s give credit to her parents, sila ang magkakadugo.

“By affinity, yes, pero ang pinagmanahan talaga ni Janine, e, ang mommy niyang si Lotlot na magaling ding umarte.

“Huwag namang angkinin ang isang bagay na hindi naman totoo. We cannot expect Janine to comment, maba-bash siya, pero ang totoo, wala siyang minanang kahit ano kay Nora dahil hindi naman sila magkaanu-ano,” maliwanag na reaksiyon ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.