Abante Tonite Interactive

Aktres gusto nang hiwalayan ang asawa

By
2,683

KAILANGANG magtripleng ingat ang isang female personality sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Madali siyang magtiwala sa ibang tao. Sa isang panahong kahit ang kanyang sarili ay hindi na nga ya­ta niya pinagkakatiwalaan ay kaila­ngang ma­ging mai­ngat siya.

Ang mga salita ay naite-tape na ngayon. Ang mga text ay meron nang sari­ling bahay sa telepono, kaya wala nang puwedeng idenay ngayon, may mga sapat nang ebidensiya.

Kailangang pinipili na lang ng pamosong female personality ang kanyang iiyakan, ang kanyang hinihingan ng payo, lalo na tungkol sa kanyang personal na buhay.

Aminado siya na ma­lungkot ang kanyang buhay sa kabila ng kanyang katanyagan at kayamanan, siya na rin ang nagsasabing hindi nabibili ang kaligayahan, hindi kumpleto ang kanyang buhay sa kabila ng lahat.

Pero sana’y sarilinin na lang niya ang ganu’ng emosyon, pu­wede niya namang kausapin nang masinsinan at sinsero ang taong pinoproblema niya, kaya huwag na sana niyang inilili­pat pa ang kanyang kalungkutan sa ibang bibig at tenga.

Paano kung ang tao palang pinagkatiwalaan niyang iyakan ay hindi naman katiwa-tiwala? Paano kung ang mga tao palang pinagdidiskargahan niya ng galit ay may planong ipagpasa-pasahan ‘yun sa maraming tao?

Hindi lahat ng iniiyakan niya ay nakikiiyak din sa kanyang sitwasyon. Hindi lahat ng mga nakikinig sa kanyang mga kuwento ay pipi at bingi na hindi ililipat at ilalabas sa ibang tao ang kanyang mga hinaing.

Tulad ng isang iniyakan-hiningan niya ng payo tungkol sa kanyang nararamdaman ngayon. Nagkuwento siya nang todo, sinabi niya sa taong ‘yun na gusto na niyang kumawala sa relasyon nilang mag-asawa, pero kunsiderasyon lang para sa kanilang mga anak ang dahilan kung bakit nakikisama pa rin siya.

Paano kung ipinakikita pala ng taong ‘yun ang kanyang mga text sa ibang tao? Paano kung maraming kapwa artista na pala niya ang ginagawang komedya ang kanyang personal na buhay?

Kaya kailangan talagang mag-ingat ang female personality na ito sa paglalabas ng kanyang mga hinaing sa buhay. Napakasimple lang naman ng solusyon sa kanyang problema.

Kung hindi na siya masaya ay lumabas na siya sa relasyon nilang mag-asawa. Mas mabuti nang malungkot siya nang nag-iisa kesa sa magkasama pa rin sila pero malungkot pa rin siya.
***

Kris binara ang pumormang OFW engineer

NAKAKAAWA naman si Kris Aquino. Sobra na ang kahenyuhan niya sa teknolohiya, alam na niya kung troll lang ang isang account, pero ‘yun pa ang naging dahilan ng pambubulabog sa kanya ngayon ng mga bashers niya.

Kumakain naman ng ampalaya si Kris dahil ‘yun ang payo ng kanyang mga doktor, green leafy vegetables daw, pero plangga-plangganang ampalayang ma­pait ang isinusubo sa kanya ngayon ng mga taong hindi nagkagusto sa sagot niya sa tangka sanang panililigaw ng isang kababayan nating OFW.

Wala naman talagang na­kikitang positibo kay Kris ang mga bashers niya, kahit nagpapakatotoo lang naman siya ay negatibo pa rin ang dating nu’n, kaya kailangan na lang niyang tiisin ang mga salitang ibi­nabato pabalik sa kanya ngayon.

Komento nga ng kritiko ni Kris na si SOS, “Umariba na naman po ang kayaba­ngan ni Kris. Binara niya ang OFW engineer at sinabi niyang she’s too smart and too pretty para magpabola sa sinasabi niyang troll.

“Ano raw? Okey lang naman na i-turn down niya ang guy, right niya naman ‘yun, pero naisingit pa rin niya ang pagyayabang na too smart and too pretty raw siya!

“Ewan naman dito kay Kris, sa halip na mga bonggang kalalakihan ang mag-attempt na manligaw sa kanya, e, parang isang may tililing pa ang na-attract sa kanya! E, too smart and too pretty raw naman siya!” humahalakhak na komento ni SOS.