Abante Tonite Interactive

Aktres inurungan ng regla

625

tonite-no-thanks-cristy-ferminLAHAT naman ng mga artista ay may kakambal na sumpong. Kapos kasi sila sa pahinga at tulog. May mga problemang personal pa silang pinagdadaanan.

Kung minsan ay hindi maganda ang kanilang gising, may nagpainit agad ng kanilang ulo, kaya dala-dala nila ‘yun hanggang sa kanilang trabaho.

Pero sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagpistahan ang isang hindi na kabataang aktres na duda nila ay miyembro na ng BIR (read: Babaeng Inurungan Na Ng Regla).

Abante Hiring – IT dep

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Wala kasing pinipiling panahon ang tantrums niya. Mahirap siyang pakisamahan, ayaw sa kanya ng production staff and crew sa kakaiba niyang attitude.

“Kung ano ang maisipan niya, e, basta na lang niya gagawin, hindi siya marunong bumusina! Mano man lang bago siya gumawa ng isang bagay, e, nagpapaalam siya!

“Wala ‘yun sa vocabulary niya, basta naisipan niyang umalis sa set, e, gagawin niya, bahala na kayong maghanap sa kanya! Ganu’n siya katindi!” unang kuwento ng aming source.

Nakakaloka siya dahil kapag pala may nagaganap na krimen o kalamidad dito at sa ibang bansa man ay apektado siya. Sobrang nasisira ang kanyang araw.

Balik-kuwento ng aming impormante, “At kapag nasisira ang araw niya, e, sira na rin ang mga kasunod niyang dapat gawin. Hindi na siya makapag-concentrate, kalat na ang utak niya, nawawala talaga siya sa mood!

“Tamad na tamad siyang lumabas ng dressing room, nasa ibang bansa ang utak niya, dahil may nangyari ngang matinding krimen du’n! Ano naman kaya ang magagawa niya sa mga ganu’ng pangyayari?

“Siya ba ang solusyon du’n? Mahaba ba ang mga kamay niya para mabigyan ng solution ang mga nagaganap sa ibang bansa? Naku, tantanan na niya ang ganyang attitude, ‘no!

“Nabubuhay siya sa totoong mundo, literal siyang namumuhay sa mundong ginagalawan niya, hindi siya nakatira sa wonderland!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

***
Baron pinagtatawanan ang mga litanya

PURO pangalan ng Panginoon ang lumalabas ngayon sa bibig ni Baron Geisler. Maigsi lang ang gusto niyang sabihin pero sa kaigsiang ‘yun ay isinisingit pa rin niya ang Diyos.

Napakasarap pakinggan ang mga sinasabi ni Baron. Sa puntong ito raw ng kanyang buhay ay sinsero na niyang gustong magbago. Tatalikuran na raw niya ang kanyang bisyo ng pag-inom na palaging naglalagay sa kanya sa alanganing sitwasyon.

Harinawang totoong-totoo na nga ang mga sinasabi ng maga­ling pa namang aktor. Sana nga ay hindi niya lang binabanggit ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhang intensiyon.

Panindigan na sana niya ang pagbabago dahil binansagan na siya ng the boy who cried wolf, wala nang naniniwala sa kanyang mga pangako, pinagtatawanan na lang ng mga kababayan natin ang kanyang mga litanya.

Sayang na sayang ang mga panahong lumilipas nang walang nangyayari sa kanyang buhay at career. Masayaran lang kasi ng alak ang kanyang lalamunan ay nagbabago na ang kanyang anyo.

Away ang una niyang hinahanap, nakikipagsukatan siya ng lakas sa kahit sinong matiyempuhan niya, pati nga ang kanyang kapamilya ay hindi na niya nirerespeto.

Harinawang sa madalas niyang pagbanggit sa pangalan ng Panginoon ngayon ay tunay na tunay na ang kanyang intensiyong magbago. Hindi pa naman huli ang lahat, si Baron lang talaga ang makatutulong sa kanyang sarili, wala nang iba.