Abante Tonite Interactive

Aktres isinubo ang walis sa kasambahay

719

Sa kagalingan sa pag-arte ay hindi matatawaran ang aktres na ito. Award-winning nga siyang matatawag dahil humahakot siya talaga ng tropeyo. Mapa-bida at suporta ay nag-iiwan siya ng hindi matatawarang pagganap.

Mataas ang tingin ng nakakarami sa aktres na bida sa ating blind item.

Minsan pa nga ay kinatatakutan siya dahil may pagkamataray siya. Sa kabila nito, marami ang nagmamahal sa kanya dahil marunong siyang makisama sa mga katrabaho niya at nakakasalamuha.

Abante Hiring – IT dep

Pero may itinatagong ugali pala ito na bukod sa lasenggera siya ay malupit umano sa kasambahay. Masyado kasi siyang perfectionist. Konting mali lang ng mga kasama niya sa bahay ay todo mura siya. Minsan pa ay umaabot sa pisikalan ang galit niya.

Minsan daw, sa sobrang galit niya ay isinubo niya ang ulo ng walis sa kasambahay. Halos dumugo ang bibig ng pobreng katulong niya.

Gayunpaman, pagkatapos daw niya itong gawin ay humingi naman ito ng tawad. (R­odel Fernando)