Abante Tonite Interactive

Aktres kakambal ng kaartehan

828

tonite-no-thanks-cristy-ferminKung kaartehan ang pag-uusapan, ayon sa mga nakatrabaho na ng isang magandang aktres ay kailangang­ manghiram sa kanya ang maraming artista, kung naibebenta lang daw ang pagiging maarte ay siguradong sobrang yaman na ngayon ng kilalang female personality.

Kakambal na kuno ng kanyang balat ang kaartehan, ma­ging ang mga natokang make-up artist sa kanya ay ganu’n din ang kuwento, marami siyang kiyaw-kiyaw bago matuloy ang trabaho.

Kuwento ng isang source, “Hindi ba, pagkatapos magpa-make-up ang mga artista, e, okey na ‘yun sa kanila? Pagkatapos ng make-up, e, sumasalang na agad sila para sa gagawin nilang eksena.

“Pero kakaiba ang tita n’yong ito, mula sa dressing room sa mismong take niya, e, kailangan pa ring nakabuntot sa kanya ang make-up artist habang bitbit ang malaking salamin.

“Mismo! Hindi siya sasalang hanggang hindi niya natiti­tigang mabuti ang kanyang itsura sa salamin, kailangang very beautiful siya sa kanyang paningin, may isang buhok lang na umusli, e, agad na niyang ipaayos ‘yun sa kanyang hair stylist.

“Ganu’n siya katemaarts! Naloloka sa kanya ang mga make-up artist niya, dahil kung anu-ano ang ikinukuda niya kapag sa pakiramdam niya, e, hindi bagay sa kanya ang kulay ng mga koloreteng ikunukulapol sa face niya!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.

Nakatira na nga raw sa dressing room ang impernes ay magandang babaeng personalidad na ito, na­ngangawit na sa kahihintay ang kanyang mga kaeksena dahil sa tagal niyang lumabas, pero parang wala lang sa kanya ang pagpapahintay.

“Maganda siya, totoo ‘yun, pero anong ganda pa ba naman ang kailangan niyang patunayan? Ang ganda-ganda na nga niya, pero kailangang feel na feel pa rin niya ang pagiging maganda niya? Ano ito, lokohan?” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming impormante.
***

KathNiel ‘di naglalambutsingan

Maligayang-maligaya ngayon ang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa wakas ay nagpakatotoo na ang kanilang mga idolo sa pagsasabing limang taon na silang magkarelasyon.

Kilala sa pagiging mahigpit ang pamilya ng dalaga, pero tanggap ng mga magulang ni Kathryn ang relasyon nila ni Daniel, saksi naman kasi si Mommy Mhin sa respetong ibinibigay ng binata sa kanilang anak.

Sobra ang pag-iingat ni Daniel sa kanyang girlfriend, hindi ito pumapayag na umuwi nang hindi muna nito ihinahatid si Kathryn, pagdating sa bahay ng binata ay agad din itong naka-check kung maayos ba si Kath.

Hindi na kailangan pang umamin nang lantaran ng magka-loveteam kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon, kitang-kita naman ang ebidensiya ng kanilang pagmamahalan, pero iba na nga naman ang malinaw kesa sa nanghuhula lang ang publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi ni Mommy Mhin, “Wala akong problema kay DJ, nakikita naman namin kung paano niya alagaan si Kath. Wala kaming masasabi, marespeto siya hindi lang kay Kath kundi sa aming buong pamilya.

Ang maganda sa magka-loveteam at magkarelasyon sa tunay na buhay na ito ay kumikilos sila nang naaayon sa tamang asal. Hindi sila nakikitang nag­lalambutsingan in public, pero may paraan sila para magtawid ng pagmamahal sa isa’t isa, magkahawak-kamay sila palagi at kapansin-pansin ang paminsan-minsan paghaplos ng binata sa likod ng dalaga.

Padillang-Padillang magmahal si Daniel, maasikaso ito, sa tingin pa lang ay natutunaw na ang kanyang mahal. Kuhang-kuha ni DJ ang istilo kung paano magmahal ang kanilang angkan.

Marami na silang pinagdaanang paghamon pero hanggang ngayo’y matatag pa rin ang relasyon nina DJ at Kath, hanggang sa huli sana ay sila pa rin, tulad ng dasal ng kanilang mga tagahanga.