Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres kakasuhan ‘pag lumipat sa 5

0 265

Ang bongga rin ng TV5, huh!

Parang majority ng Filipino showbiz fans ay nakatutok sa mga balita tungkol sa TV network ng kompanya ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Lahat ay inaabangan kung sino-sino bang ABS-CBN stars ang lilipat sa TV5.

Posible rin bang pati certified GMA 7 stars ay lumipat sa kanila?

Sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola kasi ay more on “Eat Bulaga” (TAPE, Inc.).

Anyway, sana lang, ang wish din ng marami, sa paglipat ng Kapamilya stars sa TV5 ay sumunod din naman sa kanila ang mga fan ng nasabing TV network.

Kasi sa ratings na nakukuha ngayon ng TV5 shows, parang hindi naman sumusunod ang mga fan ng Kapamilya network, huh!

Parang mas marami sa kanila ang mas tumututok pa rin sa shows ng Kapamilya network sa Kapamilya Channel, iWantTFC app, Facebook page at YouTube Channel ng ABS-CBN, ‘noh?!

Bongga rin sila worldwide dahil sa TFC (The Filipino Channel).

Eh, hindi nga ba ang “Love Thy Woman” na pinagbidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Christopher de Leon, Eula Valdes, Sunshine Cruz at Ruffa Gutierez ay talaga namang sobrang pinag-usapan at nag-trending hanggang mag-end sila noong Friday?

No wonder, kaya naman napapabalitang marami pa ring Kapamilya stars na gusto pa ring mag-stick sa kanila at hindi nag-iisip na lumipat sa ibang TV networks.

Samantala, tama ba na dahil malabo ang mala-“Home Sweetie Home” sitcom, ‘yung “John & Marsha” na lang nina Dolphy (SLN) at Nida Blanca (SLN) ang gagawin ng TV5?

Sabi, two stars ng ABS-CBN (isang inactive at isang very much active) ang magbibida rito).

Pero mukhang ‘yung aktres na very much active pa naman ay magkakaproblema at hindi basta pakakawalan ng ABS-CBN dahil may pending show pa ito sa Kapamilya network.

Basta na lang ba papayag ang Kapamilya network na layasan sila ng aktres na ‘yon? May naaamoy ba akong legal battle if ever?

Well… well… well…

Kapamilya star ayaw ibigay sa Kapatid Network

Tama rin ba na ang isang aktres na in love ay pinipigilan pa rin ng Kapamilya network na mag-transfer sa TV5?

May isang series daw na gustong ibigay kay aktres kung saan makakapareha niya ang isang top actor, na mukhang dahilan para hindi siya mag-ober da bakod sa TV5.

‘Yun ang gusto kong tutukan, Dondon (my dear editor).

This week daw kasi ang announcement ng isang ABS-CBN top executive tungkol sa project na ‘yon.

Kung hindi matutuloy doon si aktres (na ang clue ay aminadong hindi magaling mag-English), ibig lang sabihin na lilipat nga ito sa TV5 (na mukhang wala naman daw yatang problema dahil walang existing contract sa Kapamilya network).

Well, let’s wait and see na lang, huh!

For now, maging masaya na tayo na dumarami na ang showbiz works ngayon dahil hindi lang TV5 ang may new shows, pati rin naman ang Kapamilya network ay hindi pa rin sumusuko at nag-resume na rin ang tapings ng ilang shows ng GMA 7, plus they have the new weekly series na ‘I See You’ na pagbibidahan ng ilang top stars nila.

Ang saya lang dahil may buhay na naman ang showbiz kahit pa nga may COVID-19 pandemic pa rin at “new normal” na talaga dahil sa maraming health and safety protocols na pinatutupad, na dapat lang naman!

Leave A Reply

Your email address will not be published.