Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres minanyak ng male personality

0 712

Kung pasabog ang pag-uusapan ay may puwedeng pasabugin ang isang kilalang female personality na bukod sa maganda na ay mahusay pang umarte.

Nasa mga kamay niya ang granada, tanggalin lang niya ang pin nu’n ay siguradong mapupuruhan ang isang kilalang male personality na may kahalayang ginawa sa kanya nu’n, pero hindi na lang siya kumikibo.

Hindi kasi palasawsaw ang magandang female personality, tahimik lang siya, pero pinaninindigan niya na milyones man ang ibayad sa kanya ay hinding-hindi siya papayag na makatrabaho pa uli ang male personality.

Kuwento ng aming source, “Matagal nang nangyari ang pambabastos sa kanya nu’ng male personality. Nagkasama sila sa isang programa, habang nagte-taping sila, e, panay-panay ang pambabastos sa kanya nu’ng male personality.

“Kababuyan to the highest level talaga ang ginagawa nu’ng lalaking personalidad sa kanya. Tatabi sa kanya ‘yung guy, sasabihin sa kanya, ‘Ang sarap-sarap sigurong la–sin ng boobs mo!’

“Ganyan ang gusto kong boobs, sabi pa sa kanya nu’ng guy, hindi raw maliit, pero hindi rin naman malaki. Katamtaman lang ang laki.

“Nu’ng una, e, hindi na lang niya pinapansin ang mga kalaswaang sinasabi sa kanya nu’ng guy, pero may hangganan din naman ang pasensiya, di ba?

“Nu’ng lapitan siya uli nu’ng male personality, ang sabi naman sa kanya, ‘Nu’n pa kita gustong ikama, nakahiyaan ko lang. Ang sarap-sarap mo sigurong patungan.’

“Du’n na lumabas ang pangil ng girl diretso niyang sinabihan ang male personality na isang pambabastos pa at may gagawin siyang legal action.

“Pangisi-ngisi pa ang male personality, lulong kasi siya nu’n sa droga, kaya trip-trip lang daw naman sa kanya ang mga pinagsasasabi niya sa magandang aktres,” kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang ilang taon ay nasa gitna ng hindi kagandahang sitwasyon ngayon ang male personality. Nangangailangan ito ng tulong dahil sa kayang kalagayan.

“Naaawa siya sa male personality, pero lagi siyang naniniwala na karma, like Christmas, is just around the corner,” pagtatapos ng aming source.

Asawa, anak ni John ipinako sa krus

Siguradong hindi basta-basta palalampasin lang ng misis at mga anak ni John Regala ang kanyang pahayag na ganu’n pala ang buhay, kapag wala ka nang pera, ay pababayaan ka na lang.

Napakasakit nu’n, nanununtok ng puso ang kanyang sinabi, na para bang pera lang ang minahal sa kanya ng mag-iina. Sa ngayon ay matinding paghusga ang inaabot ng mag-iina ni John, ipinapako sila sa krus ngayon sa social media, dahil sa pakikisimpatya sa sitwasyon ng aktor.

Pero kailangang maging balanse ang kuwento, siguradong may mas malalim na dahilang nakapailalim sa kanilang paghihiwalay, ganu’n din sa kanilang mga anak na pinupukol ng paghusga na walang utang na loob sa kanilang ama.

Ang kawalan na niya ng pera ang idinadahilan ni John, nakalulungkot isipin na sa mahabang panahon ng kanilang pagsasama-sama ay pera lang pala ang naging barometro ng kanilang relasyon, talagang magagalit ang mga netizens kung totoo nga ang litanya ni John Regala.

Isang source ang tumawag sa amin, ang kanyang sabi, “Mabait ang wife ni John, pati ang mga anak niya, e, sumasama sa kanya sa shooting at taping niya. ‘Yung anak niya ang nag-aalaga sa kanya.

“‘Yung anak niya ang nag-i-inject sa kanya, ang nagpapainom ng maintenance niya, maayos ang mga anak niya,” malinaw na sabi ng aming impormante.

Sana nga ay magkaliwanagan si John at ang kanyang pamilya, ito ang panahon na kailangan niya ng kasama sa buhay, inaatake siya ng depresyon bukod pa sa kanyang sakit na mukhang kailangan na nang matinding proseso ng gamutan.

Mas magiging madali para sa aktor ang paggaling kung ang mga gamot na iniinom niya ay may kakambal na pagmamahal at malasakit ng kanyang mag-iina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.