Abante Tonite Interactive

Aktres muntik mabaliw nang maghiwalay ang magulang

631

Hanggang ngayon ay iniinda pa rin ng isang magandang aktres nang maghiwalay ang kanyang parents.

Kasi, mahal­ na mahal siya ng mga ito at ni sa hinagap talaga ay hindi niya inakala na sa isang iglap ay mawawala sila pareho sa kanyang buhay.

Halos mabaliw-baliw raw siya sa mga panahong iyon. Ni hindi siya nakakausap. Ayaw kumain at nagkukulong sa kuwarto.

Pakiramdam ng magandang aktres, siya ang pinaka-kawawang nilalang sa mundo. Feeling niya, hindi niya makakayanan ang nangyari. Aminado siya na muntik na siyang mabaliw.

Sa tuwing naaalala niya ang maliligayang sandali kapiling ang kanyang mga magulang ay kaagad na lang tumutulo ang kanyang luha.

Gusto niya si­yempreng magkabalikan ang kanyang mga magulang pero mukhang imposible na sa ngayon.

Mahabang panahon­ bago nag-sink in sa magandang aktres na hiwalay na ang kanyang parents.

At nang matanggap na niya ang katotohanan, naging stronger naman siya, naging independent, naging malapit sa iba pa niyang mga kamag-anak.

Nang malaman ng magandang aktres­ na naghiwalay din ang mga magulang ng isa pang aktres na mas bata sa kanya ay kinomfort niya ito.

Ibinahagi niya sa batang aktres kung ano ang kanyang ginawa in the past para paglabanan ang separation anxiety.­

Nakikinig naman ang batang aktres kaya mula noon ay naging­ close na ang dalawa. (Timmy ­­Basil)