Abante Tonite Interactive

Aktres nabuking na pinakasalan ng aktor ang dating gf

0 1,535

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Patikim na BI: Ayon sa isang source ay malalim ang dahilan ng paghihiwalay ng isang showbiz couple.

Natuklasan diumano ng aktres na pinakasalan pala ng aktor ang kanyang dating girlfriend na aktres. Parang hindi ‘yun pinag-usapan, parang wala namang lumabas na ganu’ng balita tungkol sa aktor at sa kanyang ex, pero ‘yun diumano ang nadiskubre ng aktres kaya tuluyan na itong nakipaghiwalay sa aktor.

“Busisiin n’yo ang kuwento, mag-imbestiga kayo, malalaman n’yo ang totoo,” hamon pa ng aming source.
Ganu’n daw.

Aktres may sariling mundo

 

Alam kaya ng isang magandang aktres na palagi siyang pinagtsitsismisan ng kanyang mga kasamahan sa isang serye? Siya ang palaging topic ng mga ito, pabulong nga lang ang kanilang kuwentuhan, dahil nasa paligid lang siya. Nadagdag na naman ang pangalan ng magandang aktres sa bilang ng mga babaeng artistang may sariling mundo at may kamalditahan.

Piling-pili lang diumano ang pinakikisamahan niya, wala siyang pakialam sa iba, ang mga bumibida lang sa serye ang kinakaibigan niya.

Kuwento ng aming source, “Sos­yalin kasi siya, galing sa Buena familia, kaya ganu’n siya. Palagi lang siyang nakatutok sa mundo niya, kulang na kulang siya sa PR.

“May mga gustong makipagkaibigan sa kanya, pero mukhang sarado siya, parang may matin­ding problemang personal ang babaeng ‘yun,” kuwento ng aming impormante.

Nu’ng una pa man ay ganu’n na ang imahe ng magandang aktres. Meron siyang kadugong sikat na female personality pero ayaw niyang pinag-uusapan ‘yun.

Balik-kuwento ng aming source, “Oo nga! Kapag ‘yun na ang topic, e, pinuputol niya agad. Bakit, ikinahihiya ba niya ang relative niya o gusto lang niyang patunayan na kaya niyang sumikat sa sarili niyang paraan?”
Bakit nga kaya?

 

KathNiel nawasak ang komunikasyon

Alam ni Daniel Padilla ang kanyang lugar at kung saan siya lulugar. Marespeto sa kapwa ang young actor. Hindi siya nagpaparamdam kung hindi kailangan.

Nu’ng premiere night ng “Three Words To Forever” ay sinundo niya si Kathryn Bernardo sa bahay, sabay silang nagpunta sa venue, pero inihatid lang niya ang kanyang girlfriend sa pintuan ng cinema kung saan gaganapin ang premiere night. Pumasok na siya sa sinehan, du’n na lang niya hinintay si Kathryn, sabay silang nanood. Maginoo si Daniel Padilla. Alam niya na may ibang kapareha si Kath sa pelikula, hindi nila ‘yun proyekto, kaya nagbigay-daan siya.

Ang pagiging maginoo ni DJ ang dahilan kung bakit siya tanggap ng pamil­ya ni Kathryn. Nu’ng nanliligaw pa lang siya sa dalaga ay medyo nag-aalala rin ang pamilya ni Kathryn dahil isa siyang Padilla. Pero personal na kinausap ni Daniel ang mga magulang at kapatid ni Kathryn, sinabi niyang malinis ang kanyang intensiyon sa young actress, kasabay ang pangangako na hindi niya lolokohin-sasaktan si Kath. Humanga ng dalaga sa sinserong hangarin ni DJ, ang kanyang pangako nu’n ay pinaninindigan niya hanggang ngayon, makakaasa si Kathryn na ang pagmamahal ng binata ay para sa kanya lang.

Kahit naman si Kathryn, kapag wala sa kanyang tabi si DJ ay parang hindi mapakali ang dalaga, ma­tinding lungkot nga ang kanyang pagtatrabaho sa Ormoc dahil nagkalayo sila ni DJ. Napakahina pa naman ng signal sa location, wasak ang kanilang communication, kaya dikta ng puso ay bumiyahe-dumalaw kay Kath si Daniel sa Ormoc. Sa totoo lang, pinakamaligayang babae si Kathryn Bernardo nu’ng mga oras na‘yun, di ba naman?