Abante Tonite Interactive

Aktres nagbebenta ng bahay para pambayad ng utang

By
7,330

IBINEBENTA ngayon ng isang female personality ang kanyang bahay. Ayaw man niyang mawala ang nasabing property ay kailangan niyang ibenta na ‘yun para mula sa pagbebentahan ay mabayaran niya ang kanyang mga pinagkakautangan.

Maraming negosyong pinasok ang babaeng personalidad pero mukhang mailap sa kanya ang kapalaran sa pagnenegosyo.
Bongga ang kanyang pagsisimula pero pagkatapos nang ilang buwan ay sarado na.

Meron siyang pinagkakautangang businessman, ginamit ng negosyante ang kanyang credit line, sa umpisa ay nakapagbabayad ng interes ang aktres pero nang mga sumunod na buwan ay ang businessman na ang nagbabayad ng interes sa banko para huwag masira ang pangalan nito.

Pero kuwento ng aming­ source ay napakalaki naman ng halagang gusto ng aktres para sa ibinebenta niyang propyedad. Parang presyong ayaw rin naman niyang ibenta ‘yun dahil sa taas ng presyo.

At naging mapaglaro pa ang utak ng aming source, ang sabi nito, “Di ba, ‘yun ang bahay na balitang ipinatayo para sa kanya ng nakarelasyon niyang sikat na male personality?

“Kung totoong ang male personality nga na ‘yun ang gumastos sa house niya, e, bakit ang laki-laki pa rin ng gusto niyang presyo sa pagbebenta ng bahay? E, hindi naman pala siya namuhunan para du’n” tanong-opinyon ng aming impormante. Ayayay!

Harutan nina Vice at Bela, kinagat ng madlang pipol

 

KUWELA para sa mga kabigan namin ang ginagawang “paglalandian” nina Vice Ganda at Bela Padilla sa It’s Showtime. Oo naman, hindi na kailangang ipagdikdikan pa sa utak ng manonood na pareho lang naman ang hanap nina Vice at Bela, pero ang paghaharutan nila sa ere ay kinakagat ng ating mga kababayan.

Aliw na aliw sila kapag nagkukunwari nang pinagseselosan ni Bela ang dancer na si Jackie, nakapagpapagana ‘yun sa kanilang pananghalian, may mga umaasa pa ngang puwedeng magkatotoo ang kanilang mga biruan.

Napanood namin ang aktong sinabi ni Vice, “Naku, Bela, tinatamaan na ako sa mga sinasabi mo!” Malapit na naming maibuga ang iniinom naming kape, hinalakhakan namin ang reaksiyon ni Vice Ganda, nakakaaliw sila ni Bela Padilla.

Pero hindi naman kami umaasang magkakabu­nga ang biruan nila ni Bela, kilalang-kilala namin ang pagkaberdade­rong becki ni Vice, para lang sa kaaliwan ng mga manonood ang ginagawa niyang pagsakay sa mga sinasabi ng magandang si Bela.

Sinasaluduhan namin ang respetong ibinibigay ng komedyante-TV host sa kanyang mga kabaro na sumasali sa kanilang paligsahan, tumatawid sa amin ang pag-aangat niya sa kalidad ng mga be­cking sumasali sa Miss Q & A, niyayakap-hinahalikan pa nga niya ang mga ito para pahiramin niya ng lakas ng loob.

Lalo na ang mga be­cking hindi naman kagandahan ang itsura, sa halip na kutyain ay si Vice Ganda mismo ang pumupuri, ganu’n niya kanirerespeto ang mga miyembro ng LGBT.

Sabi naman ni Sonina, ang kaibigan naming becki na hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakapanood ng It’s Showtime,
“Lahat ng mga sinasabi ni Vice sa show, kapululutan mo ng aral. Saka gustung-gusto ko siya kapag binabalikan ang payak niyang buhay, malaki ang dapat niyang ipagpasalamat sa pinagdaanan niyang kahirapan, ‘yun ang armas niya nga­yon sa hanapbuhay niya.

“Human interest ‘yun, marunong siyang bumalik at lumingon sa dati niyang buhay, ang sarap-sarap niyang panoorin kapag ganu’n. He’s so witty, matalino si Vice, napakabilis ng pick-up niya sa lahat ng bagay,” papuri pa ng aming amigang si Sonina.
Na totoong-totoo naman!