Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres nagkalat ng kahihiyan sa kalasingan

0 207

Sigurado ang mga kaibigan at katrabaho ng isang kilalang female personality na hindi na uli siya iinom nang sobra-sobra sa kaya lang niya.

Hndi na talaga dahil minsan na siyang nagpakalat ng kahihiyan nu’ng minsan siyang nakipag-inuman at nalasing-lasing siya.

Kuwento ng aming source, “Kahit ano pa ang okasyon, e, siguradong tatanggi na siya sa inuman. Hanggang sa patikim-tikim na lang siguro siya dahil isang napakalaking kahihiyan ang inabot niya nu’ng minsang nalasing siya!

“Sobrang kahihiyan talaga ‘yon dahil kapag nalalasing pala ang girl, e, hindi na niya alam ang mga pinaggagagawa niya! Lumilipad na ang utak niya, kung anu-ano na lang ang mga sinasabi niya!” unang hirit ng aming impormante.

Sa isang party ay nakipagnomo-nomo ang kilalang female personality. Hindi siya sanay sa pag-inom, sinubukan lang niya, pero napakalaking kahihiyang ang nangyari.

Kuwento pa uli ng aming source, “Tinamaan siya nang todo! Hindi na siya maawat ng mga kasama niya sa pagtoma! Talagang lasing na lasing ang girl!

“Nagpupunta siya sa CR kapag nasusuka siya, du’n niiya inilalabas ang pagkahilo niya, balik siya nang balik sa CR kasama ang isang PA!

“Maya-maya, naloka na ang buong grupo, nakapaa na lang ang kilalang female personality! Nawala rin ang kanyang bag, nagbintang pa nga ang mga kasamahan niya na pinasok sila at nasingitan ng magnanakaw!

“Nakakahiya talaga ang itsura niya, para siyang tindera ng isda na nagkalugi-lugi, wala na siyang pakialam sa itsura niya nu’ng malasing siya!

SM food to go Banner Ad

“Sobrang kahihiyan ‘yon, kaya sumumpa ang girl na hinding-hindi na siya iinom pa uli kahit konti lang! Lalong hindi na siya magpapakalasing bukod sa sumakit ang ulo niya kinabukasan, e, naaalala pa niya ang kahihiyang nangyari sa kanya!

“Kahit pa ang boyfriend niyang suwabeng uminom ang magyaya sa kanya, never na uli siyang iinom pa uli, bawal pa naman ‘yon sa relihiyon nila!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Alden ‘di suplado sa Tate

Hanggang ngayon ay may mga kuwento pa rin ang mga kaibigan naming binigyan ng pagkakataon ni Alden Richards na makapagparetrato sa tabi niya na may bonus pang maigsing kuwentuhan.

Sa pinakahuling bakasyon ni Alden ‘yon sa Amerika, ngayon lang daw nila pinaniwalaan ang mga kuwento tungkol sa Pambansang Bae bilang mabait at walang kayabang-yabang, dahil sila mismo ang makapagpapatunay.

“Imagine, kumakain sila ng mga kaibigan niya, nilapitan si Alden ng mga apo ko for a selfie, tumayo si Alden, siya pa ang humawak mismo ng camera!

“At hindi lang basta ganu’n ang nangyari, nakipag-usap pa siya, tagasaan daw ba sila sa Pilipinas? Hanggang ngayon, naaalala namin ‘yon, kaya kapag nakauwi kami, pupuntahan namin si Alden,” masayang kuwento ng aming kaibigan.

Mga artista rin ang dapat sisihin kapag may mga hindi kagandahang kuwentong kumakalat tungkol sa kanila. Sa mga artista ‘yon nag-uugat, nagpapakita sila ng pagsusuplado, samantalang kung wala ang kanilang mga tagahangang tumatangkilik sa kanilang mga proyekto ay hindi naman sila sisikat.

Katulad ng isang male personality na parang inis na inis kapag nilalapitan ito ng mga fans, nagkakamot pa ng ulo sa pagkainis, paano gaganda ang kanyang imahe sa mga kababayan natin?

“Kami na ang magpapatunay, ibang-iba si Alden Richards. Sikat na sikat na siya, pero wala kang maipipintas sa kanya. Napakabait, very humble, kaya malayung-malayo pa ang mararating niya!” pagmamalaki pa ng kababayan nating ilang dekada nang naninirahan sa Amerika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.