Abante Tonite Interactive

Aktres nahuhumaling sa casino

1,225

Maganda ang imahe ng aktres na ito sa publiko. In fact, marami ang nag-aakala na siya ay isang huwarang ina dahil maganda ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak. Maganda rin ang kanyang lovelife sa ngayon.

Paminsan-minsan ay namamataan si aktres sa casino. Although ang sabi ng mga naka­kita sa kanya, baguhan pa lang naman siya sa pagka-casino. Pero may posibilidad na magumon ito sa bisyo.

Mukhang okey ang finances ng aktres ngayon. Kung wala siyang teleserye ay may fallback naman si aktres, may mga endorsement din siya.

Samantala, nagpunta sa isang mala­yong probinsya ang aktres at ang mga kasamahan nito. Nagulat na lang ang kanyang mga kasama dahil magdi-dinner na sila pero nawawala si aktres. Nag-panic na sila dahil unang-una, hindi nagpaalam sa kanila si aktres.

Bukod dito, ang lugar na kanilang pinuntahan ay medyo may issue regarding peace and order. Tawag sila nang tawag sa cellphone nito pero cannot be reached.

Pupunta na sana sila sa istasyon ng pulis nang biglang kumatok si aktres sa kanilang hotel room. Lulugo-lugo ito. Nang tanungin kung saan siya galing at bakit ‘di siya nagpaalam, nagdahilan lang na nagmamadali siya at may kinatagpo raw siyang kamag-anak. Ipinagkibit-balikat ng kanyang mga kasamahan dahil never nilang nabalitaan na may kamag-anak si aktres sa lugar na iyon.

Pero ang totoo, pumuslit papuntang ­casino si aktres at natalo ito ng P50K.