Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres nairita sa female personality

0 184

Mabigat ang loob ng isang sikat pa rin at magaling na aktres sa isang popular pero hindi naman mahusay umarteng female personality. Nang ipanganak sila ay hindi magkatugma ang kanilang inunan.

Nu’ng una ay pinipilit din ni Actress A (ang magaling umarteng aktres) na magustuhan ang hindi marunong umarteng babae, pero hindi talaga niya ito kinakaya, dahil may kayabangan.

Kuwento ng aming source, “One time, nag-guest sa show ni hindi marunong umarteng babae si Actress A. natural, on the set na sila agad habang nagko-commercial pa.

“Pansin agad ni hindi marunong umarteng babae kay Actress A, ‘Oh, I like your shoes. I have also five of that.’ Hindi kumibo si Actress A, ngumiti lang siya.

“Maya-maya, ang branded dress naman ni Actress A ang pinansin ng babaeng hindi marunong umarte, ‘I know the brand, masarap siya sa skin, I bought three of that with different designs.’

“Dahil sa kapapansin ng hindi marunong umarteng babae, nagsalita na si Actress A, ‘Talaga lang, ha? Hoarder ka pala!’ Hindi nakakibo ang babaeng banong umarte.

“Heto na, nu’ng nakaere na sila, e, hindi na naman napigilan ng babaeng hindi marunong umarte ang nilangisan niyang bibig, ‘Alam mo, I heard, naliligo ka raw sa gatas?’

“Nainis na si Actress A, sabi niya, ‘Paminsan-minsan lang naman, when I have the time.’ Sabi agad ni babaeng hindi marunong umarte, ‘Ako rin, I do that. Maganda kasi sa skin ang milk.’

“Nairita na si Actress A, ‘E, di ikaw na! Ikaw na talaga!’ Kitang-kita sa mukha ni Actress A ang pagkairita, parang gusto na niyang mag-cure ng commercial, kahit guest lang siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Palagi kasing ganu’n si hindi marunong umarteng girl, palaging kasali ang sarili niya sa paksa, at nakikipagkabugan talaga siya sa kanyang guest.

Ha! Ha! Ha!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kris nganga sa Radyo Singko

May pagkakomedya ang kuwentong ito. Dalawang taon na ang nakararaan, habang nagkukuwentuhan kami nina Wendell Alvarez at ng mga anak-anakan namin sa News department ng TV5, ay nag-text sa amin si Kris Aquino.

Sunud-sunod na text ‘yun, hindi namin alam kung alin ang una naming sasagutin, pagkawindang muna kasi ang rumehistro sa aming isip.

Ang unang text ni Kris, “I want to do a radio show in TV5,” ang kasunod, “I have a concept na, I’m willing to do it for FREE.” Ang kasunod, “I have na the title, Krissy and Cristy. Just the two of us.”

At sinundan pa niya ‘yun ng “Let’s start na agad, the show is daily,” siya rin ang namili ng oras ng programa sa radyo.

Naloka kami. Ano ang nakain ni Kris at biglang gusto niyang magradyo? Kakayanin ba niya ang araw-araw na programang dalawang oras ang kakain sa kanyang buhay?

At meron na siyang konsepto kung anu-ano ang lalamanin ng programa, pati oras at titulo ay siya ang nagdidikta, ano ito?

Halakhakan kami nang halakhakan nina Wendell, ano kaya ang akala ni Kris, kapag nagustuhan niyang magradyo ay agad-agad nang mangyayari ‘yun?

Ipinakita namin ang kanyang mga mensahe sa tagapamuno namin sa radyo, takang-taka ito, ano raw ang masamang hangin na nagtaboy kay Kris para manduhan ang istasyon na gusto niyag magkaroon ng programa sa Radyo Singko?

Ano ‘yun, magic? Na basta na lang ipanganganak ang isang show nang hindi man lang dumadaan sa mga ehekutibo ng network?

Isa lang ang isinagot namin sa sunud-sunod na text ni Kris Aquino. Hindi kami ang may-ari ng istasyon, hindi kami makapagdedesisyon, may mga boss ang network na pinagdadaanan ang lahat ng mga programang ihinahain sa publiko.

Komento ni Wendell Alvarez na minaliit-minenos nu’n ni Kris Aquino—“NGANGA!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.