Abante Tonite Interactive

Aktres nakalaya na sa kulungan

1,296

tonite-no-thanks-cristy-ferminMay tumawag sa amin para ibalita na nakalaya na pala ang isang female personality na nakulong dahil sa usapin ng droga. Wala kaming masabi sa aming kausap kundi ang sana’y magtanda na ang aktres, umiwas na siya sa bisyo, dahil hindi pa naman huli ang lahat.

Nagtagal din sa piitan ang female personality, napatunayan niya sa kanyang sarili na sa panahon pala ng indulto at kagipitan ay iilan lang ang tapat at nananatiling kaibigan niya, tulad ng aktres na nagbalita sa amin na hindi tumalikod sa kanya.

Sana nga ay magbago na ang aktres dahil hindi na siya bumabata, ang ipinagmamalaki niyang hubog ng katawan nu’ng kasagsagan ng kanyang pag-aartista ay nagpaalam na, maging positibo na sana ang kanyang pananaw sa buhay at tumatak na sa utak niya na maling sumbu­ngan ng mga problema ang droga.

Abante Hiring – IT dep

Kausap ng male singer muntik himatayin

 

Umandar na naman pala ang kaangasan ng isang male singer na kinuha ng isang show promoter para sa isang show sa probinsiya. Marami siyang hiningi. Solong sasakyan bilang service dahil ayaw niyang sumama sa coaster kung saan nakasakay ang lahat ng mga performers.

“Pagdating nila sa venue, ayaw niyang buma­ba ng sasakyan, hatiran na lang daw siya ng food, pagod daw siya sa biyahe. Ano ‘yun, siya lang ang napagod at ang mga kasamahan niya, e, hindi?” kuwento ng aming source.

Nu’ng magsisimula na ang show ay kinausap ng male singer ang namamahala sa programa. Gusto niyang maunang kumanta. Nasa bandang dulo kasi siya pero hindi pumayag ang maangas na male singer.

Malapit nang himatayin ang kausap ng male singer dahil sa kanyang sinabi, “Ayaw n’yo ‘yun? Ako ang unang performer? Siguradong matutuwa ang audience, dahil ako agad ang pambungad n’yo!

“Alam nila ang mga kanta ko, sikat ako, kila­lang-kilala nila ako, kaya bonggang-bongga na ang show n’yo sa umpisa pa lang!”

Isa lang ang gustong isagot ng promoter, pero hindi na nito sinabi, “Bigyan ng gamot sa taghiyawat ang maangas na singer na ‘yan!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Pelikula ni FPJ, swak kay Mocha

 

Gamit na gamit ang titulo ng pelikula ng namayapang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. sa sitwasyon ngayon ng mapagmalabis na si Asec Mocha Uson.

Nakabalandra sa social media ang titulong Kapag Puno Na Ang Salop. Na totoo namang bagay na bagay gamitin sa mga pinaggagagawang hindi tama ng dating sexy dancer-singer.

Kapag puno na ang salop ay kailangan nang kalusin. Kapag puro kanegahan na ang mga ginagawa ay kailangan nang tapusin. Ang sigaw ng mga kakontra ni Asec Mocha ngayon, lalo na ang mga miyembro ng organisasyong umaangal sa ginawa niyang pambu-bully sa mga deaf and mute, palayasin na siya sa PCOO!

Masyado na kasing naniniwala ang babaeng ito sa kakarampot niyang kapangyarihan bilang assistant secretary ng sangay na kinabibilangan niya. Puro fake news ang kanyang inilalabas, ginagawa niyang katatawanan pati ang mga seryosong isyu, kaya dapat na talaga siyang alisin sa puwes­tong ipinagmamalaki niya.

Maging ang magaling na senador na si Nene Pimentel ay nagbitiw na ng pahayag na huwag na siyang nakikisawsaw pa sa mga isyung may kinalaman sa pamahalaan na hindi niya naman naiintindihan. Isang malaking pagsasayang lang diumano ng pondo ng bayan ang ginagamit ni Asec Mocha sa kanyang mga ginagawa na sa halip na makatulong ay nangliligaw pa sa utak ng ating mga kababayan.

Komento naman ni SOS, “Agree po kami na sumosobra na si Asec Mocha sa mga kabalbalang pinaggagagawa niya. Sa halip pong maka­tulong siya sa Duterte administration through social media, e, siya pa ang nagdadagdag ng dahilan para batikusin ang gobyerno.

“Dapat lang talagang matanggal na sa puwesto si Asec Mocha na apparently po, e, hindi karapat-dapat na ma­ging public servant dahil sa pagiging bastos, inconsiderate at insensitive niya!

“Manatili na lang siyang supporter ni PRRD sa social media na walang puwesto sa gobyerno o bumalik na lang siya sa pagsasayaw at gawin niyang back-up dancer ang balahurang becki na katulad niya!” komento ni SOS na may salitang “Ggggrrrrrr!!!!” pa sa dulo ng kanyang opinyon.