Abante Tonite Interactive

Aktres nawawala ang sumpong sa mga miron

204

tonite-no-thanks-cristy-ferminPARA palang pasyenteng hinang-hina na biglang sinaksakan ng suwero ang isang magandang aktres kapag pinaliligiran na siya ng maraming tao kahit saan.

Darating siyang walang kibo, parang may sari­ling mundo na walang pinapansin, pero kapag marami nang tao sa paligid ay bigla siyang nagiging buhay na buhay.

Nawawala na ang sumpong niya, meron na ­siyang bitamina, para siyang kitikiting bigla sa kanyang pag-iinarte.

Kuwento ng aming source, “Naku, blood plasma niya ang maraming tao! Kunwari, wala siya sa mood, wala siyang pinapansing kahit sino kapag may tantrums siya.

“Pero kapag padami na nang padami ang mga miron sa set, ‘yung parang marami nang nakatutok sa kanya, aba, para siyang pasyente sa ICU na bilang nabubuhay na!

“Gustung-gusto niya kapag maraming nakatingin sa kanya, lalo na kapag sinasabihan siya na ang ganda-ganda niya pa rin, kahit nagkakaedad na siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Palaging nanunulis ang nguso ng magandang female personality kapag namamali ang gising niya. Parang lahat na lang ng nakikita niya ay negatibo.

“Pero oras na marami nang tao sa paligid niya, e, wala nang lahat ‘yun! Para siyang pinalunok ng sangkatutak na vitamins, ang kulit na niya!
“Kaya kapag nagte-taping siya, e, pinababayaan na lang ng production ang mga miron sa set. Pinakikiusapan na lang nilang huwag mag-ingay, libre silang manood ng taping.

“Kasi nga, e, ‘yun ang vitamins ng maarte nilang artista, ginaganahan siyang magtrabaho kapag maraming nang-uusyoso sa kanya sa set, ‘yun ang inspiration niya!

“Para siyang nagtatrabaho sa wonderland, sa totoo lang, na maraming nakapalibot sa kanya!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Bong pinagpistahan sa bukid

MAY bahay kami sa gitnang bukid ng aming nayon sa Nueva Ecija. Malawak ang bakuran na tinataniman namin ng mga gulay. Nakakailang ani na kami ng kamatis sa bakuran, napapalibutan ng mga punong-kahoy ang ­aming bahay, sariwa ang hangin du’n na kung mahina-hina lang ang paghawak mo ay posible kang matangay.

Ang mga nakakasalamuha namin sa bukid ang nagiging barometro namin kung sinu-sinong artista ang kanilang paborito at ayaw. Kung sinu-sinong pulitiko ang paglalaanan nila ng mahalagang boto sa darating na halalan.

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa mga magsasaka at karpintero ay alam na ­namin, humigit-kumulang, kung sinu-sino ang matutunog na magtatagumpay sa darating na eleksiyon.

Sabi ng aming maestro karpinterong si Kuya Pol, “Ang buong angkan namin, solido kay Senator Bong Revilla. Nu’ng makalaya siya, e, umiiyak pa ang misis ko.

“Galit na galit siya sa mga Dilawan. Nu’ng nakaraang eleksiyon, walang kahit sino sa kanila ang ibinoto namin. Puro oposisyon,” sabi ni Kuya Pol.

Pinakikinggan namin ang kanilang mga kuwentuhan, inaalam namin ang kanilang emosyon, ilang kalalakihang magkakaumpukan nang umahon sila sa bukid ang aming natutukan.

Iba talaga ang karisma ni dating Senador Bong Revilla, buhay na buhay ‘yun lalo na sa mga kalalakihan, hindi sila tsismoso pero may sarili silang opinyon.

Sabi ng isang magbubukid, “Ilang taon bang hindi nakagawa ng Panday si Senador Bong? Ang tagal naming naghintay. Ngayong nakalaya na siya, meron na uli tayong Panday.

“Itong darating na eleksiyong ito, oras ito ng pagganti sa mga nangwasak sa kanya. Kawawa naman ‘yung tao. Binagsakan ng maraming kaso, sinira ang reputasyon niya, tapos, pinawalang-sala naman siya.

“Paano pa mababalik ‘yung mga nasayang na panahon ng pagkakulong niya? Kaya ‘yung mga nanira sa kanya, kahit ano ang mangyari, walang mapapalang boto mula sa amin,” madiing sabi ng magsasaka.

Anak ng Teteng talaga ang aktor-pulitikong ito. Sa gitna ng bukid ay siya ang pinagpipista­han, siya ang ipinagtatanggol, kaya tuloy na tuloy ang laban