Abante Tonite Interactive

Aktres nilangaw sa sinehan

711

Mukhang All Soul’s Day daw ang hilatsa ng mukha ng isang aktres matapos na isnabin ang kanyang beauty ng mga tao sa loob ng shopping mall sa southern part ng Metro Manila.

Naisipan kasi ng aktres na manood ng pelikulang “Bumblebee” matapos ang kanyang raket sa isang television network.

Akala siguro ay pagkakaguluhan siya ng mga tao doon, aba’y halos dalawa hanggang tatlong babae lang ang nagpa-selfie sa aktres dahil pagkatapos nu’n ay hindi na siya pinansin ng ibang dumadaan.

Ang classic nito, pagkatapos ng “Bumblebee” ay tumambay pa siya para sa susunod na pelikulang Pilipino pero hindi pa rin bumenta ang kanyang gimik.

Kilala ang aktres na rumaraket din sa hosting at dating naging modelo noong hindi pa siya nasusungkit ng hambog na aktor.

Clue: Ang aktres na nilangaw sa pagtambay sa sinehan ay may kuya. May letrang ‘M’ sa kanyang pangalan as in Maria.