Abante Tonite Interactive

Aktres pangit ‘pag walang makeup

0 673

Isang sikat na TV host-actress ang sentro ng blind item natin today. Ang kuwento, kumain siya sa isang resto kasama ang kanyang anak. Dahil malapit lang ang kainan sa kanyang condo ay hindi na niya nagawang mag-makeup. Ang siste pa, nakapambahay lang siya.

Pagdating sa kilalang resto ay naloka ang mga staff dahil sa itsura ni aktres. Imbes na matuwa sila ay na-disappoint. Tsika ng isang staff ay ang pangit daw pala niya kapag walang makeup. Mukha raw siyang kasambahay.

Sabi naman ng isang staff, totoo raw pala ang naririnig niya na tabingi ang isang parte ng mukha niya kapag walang makeup.

‘Di hamak na mas maganda pa raw ang store manager nila sa naturang aktres. Ang maganda lang daw sa kanya ay ang kanyang katawan na hindi tumataba.

Ang ending, walang nagpa-picture sa kanya dahil hindi nga naman magandang tingnan ang TV host.

May isang customer na balak magpalitrato sa kanya pero nagdalawang-isip din ito.

(Rodel Fernando)