Abante Tonite Interactive

Aktres pinaghihintay ang kaeksena

741

tonite-no-thanks-cristy-ferminHanggang ngayon­ pala ay bitbit pa rin ng isang kilalang female personality ang tatak na kanyang-kanya lang. Kilalang-kilala siya sa sobrang kaartehan.

Mula nu’ng bagets­ pa siya hanggang ngayon ay hindi siya nagbabago, pinahihirap niya talaga ang mga bagay-bagay na dapat ay napakasimple lang, dahil sa kanyang kaartehan.

Kuwento ng isang source, “Kapag may kukunan siyang eksena sa serye, e, napaka­aga siyang kinakatok sa dressing room.

Kailangang ganu’n kaaga, dahil bago pa siya makalabas, e, naiinip na sa kahihintay sa kanya ang mga kaeksena niya.

“Ang dami-daming nagtataka kung bakit, e, kaliit lang naman ng mukha niya, di ba? Pero bakit halos sa dressing room na siya nakatira? Bakit napa­katagal niyang lumabas?

“Inoorasan nga siya ng mga staff, e. Kapag pumasok na siya sa dressing room, umpisa na ‘yun ng bilang, kailangan na siyang bantayan, dahil masasakit na ang mga daliri ng kumakatok sa dressing room niya, pero hindi pa rin siya lumalabas!” naiiritang kuwento ng aming source.

Mabusisi pala kasi sa pagme-make-up ang female persona­lity, perfectionist siya, konting-konting bagay lang ay big deal na para sa kanya.

“Naku, mirror lady nga ang tawag sa kanya dahil kapag lumabas na siya sa kuweba niya, e, may nakasunod na sa kanya na may dala-dalang salamin.

“Matagal na nga siyang lumabas sa dres­sing room, e, panay-panay pa rin ang titig niya sa kaisa-isang face niya! Kinakausap niya yata ang salamin na ewan!

“Nag-iisa lang siya sa kaartehan. Wala siyang kakambal, lalong wala siyang ka-triplets, sa totoo lang!” naiinis pang komento ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha1 Ha!
***

Kris lumaki ang kita nang mawala sa Dos

Bubong ang nagbukas kay Kris Aquino nang mawala siya sa ABS-CBN. Sa pampinansiyal na aspeto ay hindi siya natinag, punumpuno ang kanyang kaban, lungkot lang ang kanyang naramdaman dahil buhay niya ang telebisyon.

Pero nagkatotoo kay Kris ang kasabihan na kapag may nagsaradong pintuan ay may magbubukas na bintana. Hindi nga lang bintana ang nagbigay sa kanya ng panibagong oportunidad dahil nagbaklas pa ng bubong ang kapalaran para sa kanya.

Kuwento ng isang source namin na malapit kay Kris, “Mas lumaki pa nga ang kita niya nu’ng mawala siya sa Dos, mas yumaman pa siya, dahil ang dami-dami niyang endorsement.

“Malalaking kumpanya ang kumukuha sa kanya, mga multi-national, hinawakan na siya nang three years at imadyinin n’yo, magkano ang bawat kontratang pinipirmahan niya?” tanong-opinyon ng aming kausap.

Dagdag na kuwento ng aming source ay sarili pa ni Kris ang kanyang panahon, anumang oras niyang gustong bumiyahe kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ay puwede, madalas silang nakapagba-bonding.

At sabihin nang ilang minuto lang ang kanyang partisipasyon sa pelikulang “Crazy Rich Asians” ay napakalaking karagdagan pa rin nu’n para kay Kris, pangarap­ ng bawat artistang Pinoy­ ang mapasama sa isang Hollywood movie, na naganap sa career ng aktres-TV host.

Hustisya sa pagpatay kay Arnold

Pamilyar sa amin ang mukha ng pinaslang na bit player na si Arnold Corpuz. Sa madalas naming pagtutok sa seryeng Ang Probinsiyano ay nagmarka siya sa amin bilang gumanap na mayor na pinatay rin.
Kalunus-lunos ang naganap kay Arnold, mahigit na apatnapung saksak ang tumapos sa kanyang buhay, ayon sa kanyang mga kamag-anak ay ninakawan pa siya ng mga taong nakainuman niya.
Ayon sa imbestigador na ininterbyu ay bisexual si Arnold Corpuz, madalas daw siyang dalawin sa kanyang bahay ng mga kaibigan niyang lalaki, tatlong gamit na baso mula sa pag-iinuman ang nakita sa kanyang tirahan nang paslangin siya.
Harinawang mabigyan­ ng hustisya ang pagpatay kay Arnold­ Corpuz. Nakikiramay po kami sa lahat ng kanyang iniwan.