Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres sinabunutan ng dyowang male personality

0 161

Maraming lumang kuwento tungkol sa isang male personality na dahil hindi makapaglantad sa publiko ng tunay niyang kasarian ay nagiging masyadong magagalitin.

Mabilis mag-init ang kanyang ulo, konting bagay lang na hindi nila mapagkasunduan ng karelasyon niyang magandang aktres ay agad na siyang nagwawala, maraming nakakaalam ng istorya dahil ginagawa niya ang ganu’n kahit sa harap ng mga kasamahan nilang artista.

Kuwento ng aming source, “Tagung-tago pakasi nu’ng una ang totoo niyang gender. Hindi siya makapag-out, napakalaking issue nu’n para sa family nila!

“So, ‘yung hindi niya mailabas na sikreto niya, e, nauuwi sa madalas na pag-iinit ng ulo niya na ang naging kaawa-awa, e, ang girlfriend niyang magandang aktres.

“Nakakaawa ang babaeng ‘yun! Nu’ng minsang abala siya sa pagte-taping, e, bigla na lang sumugod du’n ang boyfriend niya! Nagkaroon sila ng argumento, napakalakas ng boses ng girl, kasi nga, sinasaktan na siya ng BF niya!

“Palaging ganu’n ang karelasyon niya, konting bagay lang, pisikal agad ang ginagawa sa kanya. Imagine, sa harap mismo ng mga co-stars nila, e, sinasabunutan niya ang girl!

“Yesterday! Hindi niya sinasapak, sinasabunutan niya, pakaladkad pa kung sabunutan niya ang girl! Nakakaawa talaga ang girl na ‘yun!” bungad na kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan namang sabay silang nagpa-parlor ay nagkaroon na naman sila ng pagtatalo. Natural, ramdam ‘yun ng mga kliyenteng nandu’n, dahil halos magsigawan na sila sa pag-usap.

Patuloy ng aming source, “Nasa facial room sila, du’n niya hinila ang girl, puro pagibik lang ang naririnig ng mga tao, kasi nga, sinasabunutan niya na naman ang girl.

“Hindi kasi siya makapag-out, kaya ganu’n kainitin ang ulo niya! Dinadaan na lang niya sa galit ang matagal na niyang sikretong hindi niya naman maibunyag dahil malaking issue ‘yun para sa pamilya nilang puro brusko ang dating!

“Bakit hindi ‘yun ang i-monologue niya, bakit ang mga nananahimik na personalities ang ginagambala niya? Hmph!” inis na inis na pagtatapos ng aming source.

 

Lotlot pinagdamutan ng de-lata

Palaging may dalawang panig ang bawat isyu. Hindi puwedeng basta husgahan na lang ang isang bahagi ng kontrobersiya dahil hindi ‘yun magiging parehas para sa kabilang panig.

Natural lang na umangat na sa kanyang upuan si Lotlot de Leon dahil sa mga tinatanggap niyang paghusga at pagmumura ng mga nagpapakilalang tagahanga ng kanyang inang Superstar.

Puwedeng totoo, puwede ring hindi, maaaring hindi naman mga Noranians ang humuhusga sa kanya at nakikisawsaw lang sa isyu. Pero kung sinuman sila ay kinailangan nang sumagot ni Lotlot para bigyan naman ng hustisya ang kanyang pagkatao.

Binubutasan si Balot bilang isang walang utang na loob na ampon ni Nora Aunor. Wala raw siyang respeto sa kumupkop at nagpalaki sa kanya. Marami pang nanunugat na salita ang ipinupukol ngayon laban kay Lotlot.

Anuman ang pinagdaanan ng mag-ina nu’ng bata pa si Lotlot ay tanging sila lang naman ang nakakaalam. Wala namang nakasaksi kung paano siya tinrato ng taong umampon sa kanya.

May suntok sa puso ang kuwento ni Balot na nu’ng bata pa sila ni Ian de Leon ay wala siyang karapatang makatikim ng mga de-lata sa kanilang cabinet. Ang sabi raw kasi ng yaya ni Ian ay para lang ‘yun sa kanyang kapatid na itinuturing.

De-lata pa lang ‘yun. Paano pa ang mas malalaking kuwentong nakagarahe lang sa utak at puso ni Lotlot? Alam ba ‘yun ng mga humuhusga at bumibira sa kanya ngayon?

Sa kahit anong aspeto ng buhay ay kailangan nating magsaliksik. Hindi mabubuo ang isang kuwento nang walang research. At hindi magiging parehas ang presentasyon ng isang istorya kung isang panig lang ang pinakikinggan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.