Abante Tonite Interactive

Aktres sinimangutan ang bida ng serye

547

Marami ang nakapansin na hindi maipinta ang mukha ni aktres A na dating nagbibida sa serye.

Nakabusakol ang face niya habang nakaupo.

Hindi niya siguro ma-take na supporting­ na lang siya sa serye. Baka expected niya ay solo siyang rarampa na ipapakilala sa launching ng show. Isinabay pa siya sa isang male starlet na hindi naman niya ka-level sa status ng career niya.

Bukod dito, may isa pang aktres na ipinakilala pagkatapos niya. Ibig sabihin mas bida pa si aktres B sa serye kesa sa kanya. Hindi niya siguro naramdaman ang ‘importansya’. Mas okey siguro kung pinagsabay na lang sila.

Nu’ng ipakilala na ang bida ay iritado ang mukha ni aktres A. Nakasimanagot to the max. One of those na lang kasi siya sa launching .