Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres suko sa trip ng dyowa

0 767

Kung gusto mo raw makitang parang kinikilabutan ang isang kilalang female personality ay banggitin mo lang sa kanya ang pangalan ng isang pamosong male personality na nakarelasyon niya.

Tama, dating karelasyon, dahil hiwalay na sila. Ayon sa mga impormante ay ang babae ang sumuko sa kanilang relasyon.

Kuwento ng source, “Ang girl ang nakipaghiwalay sa guy. Nagising na lang daw siya isang umaga na hindi na niya kayang sabayan pa ang mga trip ng ka-live-in niya.

“Ang feeling daw ng girl, e, sakal na sakal na siya, hindi na siya makahinga, dahil nag-fall out of love na nga siya sa male personality.

“E, napakaprangka ng girl, di ba? Sinabihan niya talaga ang male personality na hanggang du’n na lang siya, gusto na niyang lumabas sa kontrobersiyal nilang relasyon!” unang kuwento ng aming impormante.

Nagkuwento pala ang female personality sa kanyang mga kaibigan. Marami kunong pinaggagagawa ang aktor na hindi na niya talaga kayang sabayan.
Patuloy ng aming source, “Mahilig kasing maglakad nang maglakad ang guy around the city. Nu’ng minsang batiin ng isang tagaroon ang male personality, e, bigla na lang siyang nagalit!

“War freak kuno ang male personality that time. Pero nakarating ang kuwento sa girl, pamangkin pala kasi ng kaibigan niya ang hinabol pa sa sobrang galit ng guy, pinag-awayan nila ‘yun!

“At marami pang ibang mga pinaggagagawa ng guy ang nakararating sa girl. Hanggang sa na-feel na lang niya na hindi na niya kayang sabayan pa ang mga trip ng karelasyon niya!

“Nakakaloka, di ba? Kung gaano kainit ang pagmamahal nila nu’n, e, kasinglamig na ng yelo ang nararamdaman ng girl para sa ama ng anak niya?” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Willie bigla na lang dinadalaw ni Kris

Sabik na sabik na ang mga tagasuporta ni Kris Aquino sa kanyang pagbabalik-telebisyon. ‘Yun pa lang ang lumalabas na balita, wala pang sinasabing istasyon kung saan mapapanood ang kanyang talk show, wala pang kinukumpirma ang Cornerstone na bagong namamahala sa kanyang career.

Matagal na panahon nang wala sa gitna ng aksiyon si Kris, mula nang pagsaraduhan siya ng pintuan ng ABS-CBN ay hindi na siya natunghayan ng kanyang mga tagahanga, kaya talagang nakakasabik ang nalalapit niyang pagbabalik-TV.

Itinanggi na ni Willie Revillame ang partisipasyon nito sa bubuksang programa ni Kris, nagulat na lang ang aktor-TV host dahil ang kanyang pangalan ang nababanggit bilang producer, samantalang wala naman pala itong kaalam-alam tungkol sa plano.

“Hindi kami regular na nagkakausap ni Kris, bigla-bigla na lang siyang tumatawag o dumadalaw sa akin, pero wala kaming regular na pagtatawagan,” paglilinaw pa ni Willie.

Ang balita ay sa TV5 bibili ng oras ang Cornerstone para sa talk show ni Kris, blocktimer ang programa, hindi station produced.

Mapagbiro talaga ang kapalaran. Ilang taon na ang nakararaan nang hindi na i-renew ng ABS-CBN ang kontrata ni Kris. Pinagsaraduhan siya ng pinto ng network.

Baligtad na ang senaryo ngayon. Magbabalik-TV na si Kris, ipinasarado naman ng NTC ang network, matinding problema ang pinagdadaanan ngayon ng istasyon sa usapin ng kanilang prangkisa.

Hindi talaga ipinangangako ang bukas, walang nakakaalam kung ano ang magaganap sa hinaharap, umiikot nga ang gulong ng buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.