Abante Tonite Interactive

Aktres suportado ng dyowang DOM

By
0 804

Kinaiinggitan ang aktres na ito dahil hindi siya nawawalan ng projects. Lahat pa ng proyekto niya ay bongga. Kaya naman pala ay dahil sa marunong siyang makisama sa production. Ibig sabihin ay gene­rous daw si aktres.
Nakakaloka rin ang biglang pagyaman ni aktres na may mala­king bahay bandang South at may building pa ­bandang North. Siya na rin ang nagpapaaral sa mga kapatid niya.
Kahit na nga raw hindi mag-artista ito ay suportado naman ng sinasabing nobyo niya na malaki raw ang tanda sa kanya. DOM na nga raw ang datingan? Kaya naman pala kahit maganda ang aktres at bata pa, wala man lang nanliligaw dito dahil alam na nga raw ng mga kasamahan nito sa showbiz na taken na siya pero hindi naman lantad ang kanyang relasyon.