Abante Tonite Interactive

Aktres tablado sa hirit na kotse sa politiko

2,802

Sino daw itong aktres ang magaling umarte lalo na kung mayaman at maimpluwensiyang politiko ang kanyang ka-date?

Ganito daw kasi ang ginawa ng seksing aktres noong siya pa ang ‘apple of the eye’ ng mayaman at ngayon ay retiradong politiko.

Sa laki ba naman ng hinaharap ng hitad, mapupungay na mata at kissable lips eh talaga naman maninigas eheste matutulala ang mga lalaki sa kanyang kagandahan.

Kaya naman noong makipag-date itong politiko, ginamit talaga ng aktres ang kanyang asset para makuha niya ang loob ng bulsa este, tiwala ng lalake.

Pasimple kasing humirit ang seksing aktres na kailangan na niya ng bagong kotse upang sa gayon ay magamit niya sa pagbibiyahe sa mga raket.

Ipinakita daw kasi ng babae ang luma niyang kotse, as in may paawa effect ang hitad sa politikong kanyang ka-date ng gabing iyon.

Nakahalata naman itong politiko kaya’t imbes na sumakay sa lam­bing ng aktres ay sinabi na lang na ipagagawa niya muna ang sira ng kanyang kotse.

Doon na nalaman ng politiko na ang lumang kotse ng aktres ay regalo pala sa kanya ng ex-boyfriend kaya purnada ang lambing ng aktres sa politiko.

Clue: Ang seksing aktress ay yumaman na dahil sa dami ng mga raket at mayroon nang nagpapaligayang lalake sa kanya. May letrang P sa kanyang pangalan as in Peugeot.