Abante Tonite Interactive

Aktres tagilid ang negosyo ng asawa

By
3,551

Isang araw, ayon sa aming source na hindi nanununog at nangu­nguryente, ay magugulat na lang tayo dahil magbabalik-bansa na ang isang female personality at ang kanyang pamilya.

Matagal nang naninirahan sa isang malamig na bansa ang babaeng personalidad na nakapanga­sawa ng isang negosyante. Dinala na rin niya du’n ang kanyang pamilya.

Paboloso ang kanilang buhay du’n, palibhasa’y maganda ang takbo ng negosyo ng kanyang mister, maraming Pilipinong nakakakita sa pamilya habang nagsi-shopping.

Pero hindi lahat ng panahon ay puwede nilang angkinin, unti-unting nagsasarado ang mga negosyo ng asawa ng female personality, dumami nang dumami ang kanilang mga kalaban sa linya ng negosyo ng lalaki.

Sa maraming sangay ng business ay ilan na lang ang nakatayo, nagsarado na ang maraming branches, ayon sa aming­ source ay tagilid na ang takbo ng negosyo ng ­napangasawa ng aktres.

“One day, baka umuwi na sila dito, hindi na maayos ang takbo ng negosyo nu’ng husband niya, kinabog sila ng mga kalaban nilang mas ma­laki ang puhunan, kaya kailangang isarado na ang maraming branches nila,” komento ng aming source.

Hindi pa naman sila naghihirap, pero napakalaking problema ng mag-asawa ang patuloy na paghina ng kanilang business, kesa sa matalo nang matalo ay posible ngang umuwi na lang sila ng Pilipinas para dito na sila magnegosyo.

Ang bumibidang female personality sa kuwento ay mula sa pamilya ng mga artista. Naugnay ang kanyang pangalan nu’n sa isang sikat na pamilyadong lalaking personalidad na ngayon ay pinaniniwalaang bilyonaryo na, sikat na sikat pa rin, at mas nalilinya na sa serbisyo-publiko.

Nadine maitim ang kuyukot

Sa totoo lang, kapag nababasa namin ang mga pamba-bash kay Nadine Lustre ay mas tumataas ang paghanga namin sa katapangan ng young actress, masyado na kasing personal ang mga ibinabato laban sa kanya.

Nand’yang pagpistahan ang maitim niyang kili-kili, ang kanyang kuyukot na puwede na raw pagta­niman ng kamote sa kaitiman, grabe! Pero sa kabila ng lahat ay nand’yan pa rin si Nadine, patuloy na ginagawa ang makapagpapasaya sa kanya, wala siyang pakialam sa mga pumapansin sa kanyang katawan.

Malakas ang loob ni Nadine. Sa isang panahon na nagpapaligsahan sa pagi­ging mahinhin sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano ay nag-iba siya ng linya.

Kinunan niya ang kanyang sarili na naka-two-piece bathing suit na halos kita na ang pisngi ng kanyang langit, ibang-iba nga naman siya sa kanyang mga kakontemporaryo.

E, nagsalita pa siya ng pagiging liberal sa pakikipag-live-in, samantalang ang mga kasabayan nga niyang young stars ay ni hindi halos nagpapakita ng mainit na emosyon sa publiko?

Pero kung mag-iiba na talaga ng linya si Nadine at iiwanan na niya ang pakikipag-loveteam kay James Reid at sasabak na siya sa pagpapa-sexy sa pelikula ay napakalaki ng magiging pakinabang sa kanya ng Viva na nag-aalaga sa kanyang karera.

Siguradong susuportahan ng mga kalalakihang manonood ang kanyang proyekto, pipilahan ang kanyang pelikula, at minsan pa nating mababasa ang linyang a new sexy siren is born.

Huwag na tayong mag­lokohan pa. napakaganda ng hubog ng katawan ni Nadine Lustre. Bata pa siya, parang dalaginding lang ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan na tatalupan, du’n aalpas nang todo ang popularidad ni Nadine.

Sabi nga ni prop, “Tutal din lang, e, pakita na siya nang pakita ng body beautiful niya sa social media, itodo na niya, pagkakitaan na niya ang katawan niya!”