Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres talo sa beking dyowa ng male personality

0 1,184

Hindi pala masyadong namomroblema ang isang male personality kung maging maramot man ang kapalaran sa pagbibigay sa kanya ng trabaho. Nakakatulog siya nang mahimbing habang hindi naman dinadalaw ng antok ang mga kasamahan niyang nganga sa mga panahong ito.

Wala siyang masyadong ginagawang pelikula, madalang din siyang mapanood sa mga serye, pero okey na okey lang ang kabuhayan showcase ng kilalang male personality.

“May pader siyang sinasandalan. Matagal na ‘yun, malakas pa siyang kumita, e, nand’yan na ang gay benefactor niya. At ang nakakaloka pa, alam n’yo bang aware ang mga girlfriend niya sa kuwento ng buhay niya?

“Yes! Alam ng lahat ng nakarelasyon niya na meron siyang gay benefactor! Alam nila na nand’yan lang ‘yung karelasyon niyang becki para sumuporta sa kanya,” unang pasabog ng aming source.

Sa maraming pagkakataon ay naging malaking problema nila ‘yun ng isang dati niyang karelasyong magandang aktres. Ayaw siyempre nito na may kasabay palang minamahal ang male personality bukod sa kanya.

Patuloy ng aming impormante, “Natural, mahal na mahal siya ng girlfriend niya, kaya ang gusto ng girl, e, siya lang din ang mahalin ng boyfriend niya!

“Pinag-aawayan nila ‘yun! Pero sa malas, sila ng girlfriend niya ang naghiwalay, natirang panalo sa laban ang gay benefactor niya!

“Panalo ang becki! Hindi siya matitinag sa puso ng male personality, matibay na ang foundation ng relasyon nila! Aba, ikaw ba naman ang gawing hari, ipagpapalit mo pa ba naman ang milyonaryong becki?” natatawa pang komento ng aming source.

Kaya sa mga nagtatanong kung bakit paboloso pa rin ang kabuhayan showcase ng male personality kahit wala naman siyang trabaho, stop na sa pagtatanong, nand’yan ang kanyang gay benefactor na hindi siya pinabayaan kahit kailan.

“Magaling siya, mautak ang male personality, alam niya ang mga kailangan niya at kung sino ang makapagbibigay nu’n sa kanya. Saan ba naman kasi siya galing?

“Kung uso ngayon ang pagbebenta ng food online, nu’n pa man, e, kilalang-kilala na ang male personality na ito sa pagbebenta ng karneng buhay!” pagtatapos ng aming source.

Sheryl, Snooky dawit sa mga reklamo kay Tulfo

Sunud-sunod na mga kababayan natin ang nagsadya sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5 (Radyo Singko) para ireklamo ang ilang personalidad.

Una ay si Janella Salvador. Sumunod ay si Tanya Montenegro. At ang pinakahuli ay si Sheryl Cruz.

Inireklamo ng kanyang PA si Janella dahil sa diumano’y huling suweldo nito na hindi binayaran ng aktres. Pero ang ibang reklamo ng PA ay hindi pasok sa banga, ang PA mismo ang nagpatunay na hindi totoo ang mga bintang nito sa aktres, ipinahamak ang PA ng kanyang mga FB posts.

Si Tanya Montenegro naman ay inireklamo ng kanyang kamag-anak na alahera. Puro pangako lang daw ang aktres tungkol sa kabayaran at idinadamay pa ni Tanya sa usapin si Snooky Serna.

Ang pinakahuling inireklamo sa Wanted Sa Radyo ay si Sheryl Cruz, kuwentong-kampanya pa ang sangkot sa diumano’y pagkakautang niya sa isang dating kaibigan, ipinang-abono raw nito sa kanyang kampanya ang pera.

Kumandidatong konsehal sa ikalawang distrito ng Maynila si Sheryl, pero natalo, madalas daw siyang tawagan at padalhan ng text ng paniningil ng dati niyang kaibigan pero deadma lang ang aktres.

Abogado niya na lang daw ang kausapin ng maniningil, sabi ni Sheryl, sinabi rin niya na maraming nakakakilala sa tunay na ugali ng babaeng naminingil sa kanya.

Mahirap ang buhay ngayon dahil sa pandemya, isa ‘yun sa maraming dahilan kung bakit naniningil na ang may mga pautang, na sana’y tugunan naman ng mga artistang sinisingil dahil nasisira ang kanilang pangalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.